Datasets:
author
stringclasses 34
values | sentence
stringlengths 10
1.44k
| Aurelio Tolentino
int64 0
1
| Jose N. Sevilla
int64 0
1
| Mariano Sequera
int64 0
1
| Jose Maria Rivera
int64 0
1
| Juan Serrano
int64 0
1
| Engracio L. Valmonte
int64 0
1
| Andrés Pascual
int64 0
1
| Fr. José Rodriguez
int64 0
1
| Joaquín Tuason
int64 0
1
| José Morante
int64 0
1
| Patricio Mariano
int64 0
1
| Apolinario Mabini
int64 0
1
| Balbino B. Nanong
int64 0
1
| M. Lucio y Bustamante
int64 0
1
| Pura Medrano
int64 0
1
| Honorio López
int64 0
1
| José Rizal
int64 0
1
| Cleto R. Ignacio
int64 0
1
| Pascual de Leon
int64 0
1
| Pilar J. Lazaro Hipolito
int64 0
1
| G. B. Francisco
int64 0
1
| Angel De los Reyes
int64 0
1
| José R. Francia
int64 0
1
| Hermenegildo Cruz
int64 0
1
| Fausta Cortes
int64 0
1
| graf Leo Tolstoy
int64 0
1
| Modesto de Castro
int64 0
1
| Francisco Balagtas
int64 0
1
| Sofronio G. Calderón
int64 0
1
| Juan Lauro Arsciwals
int64 0
1
| Rosauro Almario
int64 0
1
| Juliana Martinez
int64 0
1
| S. A. D. Tissot
int64 0
1
| Ismael A. Amado
int64 0
1
|
---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|---|
Aurelio Tolentino | kabinataang bagong sumisibol, itong abang lagda sa iyo'patunkol. pakatandaan mo itong mga hatol na dangal at buhay ng lahat ng dunong. ang pagpipitaga'pakikipagkapua ay siyang sagisag ng pagka dakila; kapag sa sinuman ito ay nawala, iyan ay di dapat, humarap sa madla. di sukat ang ganda, di sukat ang yaman, di sukat ang dunong at lahat ng inam; kapag ang sagisag na aking tinuran ay siyang nawala, ang lahat ay kulang. ang pagkamabait, ang pagka mahinhin, ang pagka matapat at anyong butihin ay siyang palamuting sa tuina'dadalhin, ang iyong ugali upang magluningning. sapul pa ng ikaw ay batang maliit may tungkulin ka ng lubhang mahihigpit, gaya ng huag bigyan ng munting ligalig ang kawawang inang sa iyo'ninibig. ikaw ay lumaki at lumaki naman ang iyong tungkuling akin ng tinuran: ng una'ang iyong mundo ay kandungan ng inang malugod, ngayon ay ang bayan. pipintuhuin mo'panuyuang kusa ang iyong magulang na mapag aruga, sila'pangalawa ni poong bathala na dapat igalang sa balat, ng lupa. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | may mahal pa kaya sa hiningang tangan? ang iyong hininga sa kanila'utang. ang pinagpalaki sa iyo'paghirang, puyat, pawis, hirap at sampu ng buhay. ang kahima'sila ay nangahihimbing, kapag naingit ka sila'gumigising; kinandong kandong ka at inaliw aliw at pinalayawan ng saganang lambing. sa gayong kalaking utang na tinangap mo nga sa kanila'anong ibabayad? alayan man sila ng lahat ng lingap, kulang at sa utang mo nga'di pa sukat. salamat na lamang at di maniningil, ang puhunan nila'di ibig bawiin; sakali ma'sila ay alalahanin ng kahit bahagya'malaki ng turing. pagkagising mo na ay agad ng hagkan ang pisngi ng ina'ang sa amang kamay, kasabay ng bating malugod na inay! sa ama'gayon din, ang bati ay tatay! kung matutulug na saka uulitin ang halik at bating paalam ng lambing; nguni'sa tui tui na ito'bago gawin, ang kailangan nila muna'siyasatin. kung sakaling ikaw ay mapangusapan, sa ano mang bagay kaya'parusahan, ay ipag saya mo'darating ang araw na matutunayang iyo'pagmamahal. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | ang mga inali, at ang mga mama, at ang ina ama,ini ina kaya, at ang mga nuno, at ang matatanda ay kailagang lubos na pintuhuin nga. at ang mga iyong lahat na kapatid ay pakamahalin ng boong pag ibig; sa mga alila ay huag magmasungit pagka'sila'kapua, dukha lamang tikis. sa lahat ng tao'lubos magpitagan, ng upanding ikaw naman ay igalang; sakaling sa iyo sino ma'magkulang, kahabagan siya'pagdaka'talikdan. ang maestro'siyang pangalawang ama, ang maestra nama'pangalawang ina, kaya dapat nganing pintuhuin sila at mahaling lubos ng boong pagsinta. binalankas lamang, kung baga sa bahay, ang iyong ugali ng iyong magulang; nguni'ang maestro'siyang nagbibigay ng dakilang gangda'mga kasankapan. dahil sa kanila ay maihaharap ang iyong ugali sa sino mang pantas, sa pagka'sa dunong ay hindi nga salat, sa lusok na asal nama'hindi hubad. at katunkulan mong lubos na mahigpit sa iyong pag aaral ang pagsusumakit; ang lahat ng turo nila'isa isip, sa lahat ng hatol nila ay manalig. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | nangunguna sila'ang dala ay ilaw sa landas ng iyong madilim na buhay; tanang hakbang nila ay malapit sundan, ng upanding ikaw ay huag maligaw. pagbabangon mo na'agad maghilamos, magpunas ng kamay at saka magmumog, maglinis ng ngipin, maghusay ng buhok, damit na pangbahay pagdaka'isuot. pagkatapos nito ay agad ganapin ang datihang iyong katunkulang gawin, at maminsan minsa'ang kuko'putulin at saka maligong magkubli sa tingin. ang babayi'dapat ayusin ang bahay, linisin ang sahig sampong kasankapan; sa kani kaniyang dako ay ilagay ang lalong maliit na ari arian. bahay na maayos ay parang salamin ng nagawing buhay sa pagka mahinhin; bahay na magulo'nagpasabing tambing ng ugaling salat sa turong magaling. kailangang harapi'siyasating lahat ang sa pamamahay gawang nararapat, at huag sayangin ang kabit nang oras, magagawa ngayo'huag ipagpabukas. mga kasankapang iyong magagamit, kung saan kinuha ay isawling saglit; huag pabayaang masira'mawaglit, pinuhunan dian ay maraming pawis. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | ang itak, ang sandok, ang saro, ang pingan, ang walis, pamunas, lamesa'upuan, tanang kasankapang kaliit liitan may kani kaniyang dapat na kalagyan. makita mo'kahit iisang karayom na kakalat kalat kaya natapon, pulutin mo agad at ilagay doon sa kung saan dapat, sa lalagyang ukol. karayum ay mura'walang kasaysayan, nguni'hindi ito ang siyang kahulugan: karayum na wala sa dapat kalagyan ay nagbabalitang musmos ang may bahay. ang damit na iyong dapat na isuot ay huag ang masagwa'huag ang dukhang lubos ang tipon ng ganda'inam na tibubos na sa katamtamang sa kulay ay ayos. kailangang sumunod sa ugaling moda, nguni'huag lumampas ng di tawanan ka, at huag kang magsuot ng hindi mo kaya: ang mahal ay pangit sa dukhang talaga. paka ingatan mo ang iyong pananamit. ng huag madungisan at ng di mapunit; mainam ang luma, kung buo,malinis, kay sa bagong wasak may duming bahid. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | marikit ang murang hiyas kay sa mahal, kung ang gumagamit ay dukha ngang tunay; ang dukhang magsuot ng aring maringal kahit man binili, parang hiram lamang. kahit na sa bahay ay dapat magsuot ng damit na puting talagang pangloob, at huag mong gayahan ang asal na buktot sa gawing malinaw. hubu'hubad halos! limutin ang cotso, at magbotitos ka, ang paa mo'binti upang huag makita: babaying may puri di dapat magtinda ng dapat itago sa alin mang mata. botitos ay mura, bukod sa mainam, at talagang dapat sa mahinhing asal; cotso'sapatilya ay napakamahal, sa may hiyang paa talagang di bagay. di mo masasabing mahal na tibubos, sapagka,matibay kung gawang tagalog: ang tatlo mang cotso'masisirang sunod bago makawasak ng isang botitos. at gayon din naman ang medias ay mura, nguni at mahal ma'dapat bumili ka: iyan nga ang tabing, sa mata ng iba, ng binting ma'dangal at ma'puring paa. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | maging sa bahay ma'maging sa lansangan ay huag mong limutin ang panyong alampay: alampay ay siyang tabing na tangulan ng dibdib mu'batok sa mata ng bayan. kalsonsilyong puti na hahangang tuhod ay dapat gamiting damit na pangloob, ang puri mo'upang di sumabog sabog sa mga hagdana'lilipatang bakod. ang tapis ay huag mong limutin kailan man, sa bihis tagalog sadyang kasangkapan: ang baro at saya kahit mura lamang ay ako ng tapis, kung ma'sadyang inam. huag kang maniwalang nagbuhat ang tapis sa kakastilaang dito ay sumapit: mga nuno natin ng tapi'gumamit, tapis ay nangaling sa taping binangit. paka ingatan mo ang gawang magbihis, ang sama at buti'dian masisilip; diyan nahahayag ang tinagong bait, diyan nababasa ang gawi at hilig. sa lahat ng mga pakikipanayam ang nagsasalita'mabuting pakingan, sapagka at lubhang kapangit pangitan ang di pumapasing sa kasalitaan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | ikaw ay papakli, kung dapat sumagot, ng magandang bigkas, salitang malambot: ang banlang sabihin ay kuruing lubos, baka may mapaltik sa mga kaumpok. huag magbulaan sa alin mang bagay, palatuntunan mo'ang katotohanan; ngunit sa taya mo'kung may tatamaan, mabuti pa nganing huag ka ng magsaysay. huag mong sasabatin ang nagsasalita paka ilagan mo ang gawang manumpa, at kung tatawa ka'huag lakasang lubha ang tawang malakas ay sa taong dusta. kung ma'nagsasabi ng salitang buhay, batid mo man kahi'ay dapat pakingan, at huag mong sabihing alam ku na iyan ito ay malaking lubhang kapintasan. magpakailan pa man ay huag kang sumabat ng wikang mali ka sabi mo'di tapat sakali mang mali ang ating kausap, kailangang sagutin ng lubhang banayad. ang pakli'ganito naging iba lamang, ng hindi pu kayo ang siyang nagsaysay ng gayon, ay di ko paniniwalaan sapagka'. saka ka naman mangatwiran. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | kung ang katalo mo ay ayaw duminig sa sinasabi mong tunay na matwid, at sumasagot pang bagkus nagagalit, hayaan mo siya', huag ka ng umimik. datapua,sakaling ang makausap mo ay sadyang mabait, talagang may tuto, at sa iyo'sabihing ipatawad ninyo itong ipapakling abang palagay ko. ito,sagutin mo ng boong pitagan, ng boong pag giliw, gaya ng tuturan ituluy pu ninyo'kikilanling utang ang pag akay ninyo sa aking kamalian. at magpakailan man ay huag mong sabihing ang sabi ko'hindi ninyo napaglining . kung di ang ganito malabu marahil ang sinalaysay ko: aking uulitin . kung saka sakaling purihin ka naman, ay huag mong sagutin ng wikang mahalay, na gaya ng pakling iyan po'tuya lamang, iyan po'isang biro'kasinungalingan . ganito ang iyong mga sasabihin iyon po'karangalang di sukat sa akin; ngunit dahil diya,aking pipiliting ang pagkamumus ko'papaging dapatin . | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | ang bagay na lihim ay huag mong ihayag, at sa kata kata ikaw ay umilag, at huag mong purihin ang iyong kausap, at huag mong libakin ang di mo kaharap. piliin ang oras sa mga pagdalaw, at di ang sa gawing pagkaing agahan, di ang sa tanghali, di ang sa hapunan, di ang sa pagtulog at gawang kailangan. mga karaniwang dalaw ay sa pista, sa araw ng lingo kung walang gambala, at ang oras namang pinaka maganda ay kung ang hapunan ay naidaos na. ang dalaw na mga bigay loob lamang ay dapat humiksi, ang gayo,kailagan, at pagpilitan mo ang huag magpaliban ng lubhang maluat at iyong bayaran. sa alin mang pinto bago ka pumasok ay huag magmadali'marahang tumugtog; ang dinadalaw mo'sakaling nanaog, ikaw ay magsabi ng ganitong ayos. wala pu ba naman silang dinaramdam pagsagot ng wala salamat na lamang utang na loob po'ipagbigay alam na kanila itong ninais kong dalaw . at tuloy kami po'ipag maka ano. sa kanilang dangal . | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | nguni'kung sa iyo sabihin ang gayon, ang isasagut mo'aking tutuparin ang utus pu ninyo . sa gayo'agad ng ikaw ay magpaalam, isa mong tarheta'huag na di mag iwan; baliin ang isang sulok na alin man utang na loob po, ito ay iiwan . sakaling marami ang mga panauhin, yukuan mo sila'pagdakay batiin magandang gabi po ang iyong sabihin, saka ang may bahay ay lapitang tambing. pagdakay iabot ang kanan mong kamay, at ang kamay niya'upang mahawakan, anu po ang atin? ang inyong may bahay at mga kasama anu po ang lagay mabuti po naman at walang may sakit, at kayu pu naman? ang sagot ay kahit sa alin mang oras ay handa pong tikis na mapag utusan sa kayang maliit . kung may kasama kang di kilalang tao ng iyong kausap, agad iharap mo, sila po'kaibigan: ikadadangal ko ang sila'iharap ngayon po sa inyo . | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | at ang iniharap naman ay sasagot bagong tagasuyong napahihinuhod at sumasa inyong balang ipag utos salamat po'kami ay gayon ding lubos kung may kaibigan ka sa mga dadatnan, ang iyong kasama'iharap din naman; datapua'huag mong gagawin kailan man, ang di mo kilala'agad kakamayan. lalo at marami ay lubha ngang pangit na sa bawa'isa ikaw ay lumapit; yukuan mo lamang sila ng marikit saka mo batiin ng boong pag ibig. ang kasankapan mo'sakaling batiin, ialay mo agad ng wikang magiliw. walang kasaysayan, palibhasa'akin, ngunit ang akin po'lubos na inyo rin . ang iyong kausap kung hindi mo alila ay ipauna mo sa pagsasalita: kayo po at ako at di mawiwika ang ako po'kayo pagka'hindi tama. at kung marami nga ay gayon din naman, ikaw din ang siyang kahuli hulihan. ganito: kayo po, si mameng, si ninay, si pepe at ako ang napagtanungan . ang mga pamagat ay huag mong sambitin lalo na kung pangit at masamang dingin, na gaya nga nito: si daniel na duling, si titay na bungi, si kulas na tikling . | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | mga halintulad ay paka ilagan kung nakadudusta aku po'nawalan; halimbawa ngayon kayo ang nagnakaw. ang gayong salita'kasama samaan. sa mga palalo ay huag kang gumaya, walang bukang bibig kung di ang kanila: ako po'ganito ako po ay iba ang gayon salita'pangit na talaga. kung ang kausap mo sinu man kaya ay namaling hindi talagang sinadya, pagtakpan mo'parang hindi nahalata ng upanding siya ay huag mapahiya. pakikipagtalo ay iyong ilagan; nguni at sakaling mahirap iwasan, ay salaysayin mo ang iyong katwiran ng sabing malambot at katotohanan. kung paupuin ka ay iyong piliin ang huling upuan: ngunit kung sakaling ang lusok na dako sa iyo'ihain, ay huag kang magtuloy kung di ka pilitin. kung isang babayi ang siyang dadatal lahat ng dadatna'dapat magtindigan; sagutin ang bating kaniyang binitiwan, lusok na upuan sa kanya'ialay. ngunit kung lalaki ang siyang darating, ay lalaki lamang ang tatayong tambing; ang mga babayi'nangaka upu ring sasagot sa bati ng wikang magiliw. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | dapat na maunang mag alay ng kamay ang nakatataas sa pagkakamayan; sa mga batian ay gayon din naman, di sukat mauna ang natataasan. kaya ang babayi'siyang nararapat mag alay ng kamay sa makakau sap sapagka'saan mang mga paghaharap, ang babayi'siya ang nakatataas. gayon man ay dito'nakagawian na ang mga lalaki'siyang nangunguna. babayi'lalaki kung kakamayan ka, kamay mo'madaling ibigay pagdaka. ingatan mong ikaw ay huag magdaan sa gitna ng kahit alin mang harapan; nguni at sakaling lubos na kailangan, hingin ang kanilang kapahintulutan. at huag kang humukut na gaya ng iba na ang kanang kamay ay iniu una: tuid ang katawan maari pu bagang ako ay magdaan magtuluy pu sila . at sakaling ikaw nama'may gagawing sandali sa labas, ay iyong sabihin ng boong pitagan ipagpaumanhin pu nila'sandaling sila'lilisanin . sa pagpapa alam ay iyong magagamit ang mga sinabing pag upo'pagtindig; at kung ikaw naman ang siyang aalis, sila ay yukuan ng anyong marikit. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | kami pu,paalam sa kanilang lahat, mag utus pu sila sa lahat ng oras . magandang gabi po . kamayan mo agad ang mga may bahay, gayari ang saad. ang amin pung dampa ay inyo ring tunay na sa gayong daan at gayon ang bilang. hinihintay naming kami'parangalang palagi ng inyong malugod na dalaw . sagot ng may bahay naman ay ganito: inyo na pung alam itong bahay ninyo, ninanais naming kayo,pumarito, upang sa tui tui na,masuyuan kayo . nasabing may bahay kung sadyang may nais makipagkilala sa iyo ng mahigpit, katunkulan niyang dalawin kang tikis sa loob ng tatlong araw di lalabis. at sakaling siya sa iyo'dadalaw, ikaw sa kaniya ay magkakautang; tadhana'sa loob ng wawalong araw siya'dalawin mo'itoy karampatan. kung uubuhin ka babahin kaya, gayon sa pagdahak saka sa paglura, ay dapat lumingon sa dakong kabila, ang iyong kailangan upanding magawa. kublihan pagdaka ng panyo ang bibig, upanding ang dumi ay huag tumilansik: ang mukha mot labi'pahirang malinis, at kailan may huag kan lumura sa sahig. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | sa lahat ng pulong ay lubos na bawal ang pagsasalita ng mga mahalay, gayon din ang bulok na kadumal dumal ay huag mong sabihin at paka ingatan. at huag kang mag higab, at huag mag antok at huag kang mag unat, at huag mag kamot, at huag kang mainip at lumingos lingos, ito'lubhang pangit at lisya sa ayos. ang anu mang tangan ng iyong kaharap, na gaya ng paypay, sakaling malaglag, pulutin pagdaka'isauli mo agad, iabot ang tatangnan, sa dulo ang hawak. ang alin mang pintong iyong dadaanan, kung datnan mong bukas, bukas mo ring iwan, at kung nakasima, isima mo naman, ito'siyang turo ng dakilang asal. ang kahit sinu man sa mga kalikom sa alin mang pinto, ay makasalubong, dagli mong yukuan at saka umurong, at iyong sabihing sila po'magtuloy . ngunit kung sakaling umurong din siya at pipilitin kang ikaw ang mauna, kung hindi rin lamang natataasan ka, pasalamatan mo at magtuloy ka na. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | ang kahit man sino ang sa iyo'dumalaw ay iyong ihatid hangang sa hagdanan: sakaling madilim ay iyong tanglawan hangang na sa loob siya ng bakuran. ang iyong kaibiga'kung magkakasakit, ay manaka nakang dalawin mong saglit; at kung datnan siya ng mga ligalig, gayon di'dalawin, aliwin sa hapis. sa araw ng binyag kapanganakan ng iyong matalik na mga kaibigan, sila'batian mo ng masayang liham, mahiksi ang sukat, nguni at malaman. at gayon din naman sa pag aasawa, sa panganganak na lubhang ginhawa, at sa lahat na ngang dapat ipag saya, sila ay padalhan ng liham pagdaka. kung patutungo ka sa alin mang bayan, lalo'sa malayo'lubos na kailangan, bago ka umalis muna'magpaalam sa kaibigan mo'iyong katunkulan. nguni at kung ikaw naman ay dumating, katungkulan nilang ikaw ay dalawin, sapagka'kailangang kanilang sabihing sila'nagsasaya'umuwi kang magaling. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | kung mapithaya ka sa alin mang piging, huag kang magpauna sa ibang panauhin; ngunit huag ka namang mahuling dumating: isipin mong ikaw ay doon hihintin. sa mesang pagkain kung tumatawag nga, hayaang mauna ang mga dakila; at gayon din naman huag kang magkusang maunang tumikim sa alin mang handa. huag kang magmadali'ang subo'huag lakhan ang ulam ay huag mong amuyan hipan; ang mga kubiertos ay paka ingatan, upang huag kumatog na lubha sa pingan. huag mong titigan ang alin mang hain, at gayon din naman kasalong panauhin paka ingatan mo'huag sasambitin ang bagay na baka nakaririmarim. ang iyong mga siko ay huag mong isampa magpakailan pa man sa kakanang mesa, kahit anong ulam ay huag humingi ka, huag namang pintasan ang kahit alin pa. kung di mu man ibig ang dulot na hain, kahit kakaunti ay kumuha ka rin; magpakailan pa man ay huag mong sabihing ang ganyan pong ulam di ko kinakain . | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | ang pagsasalita, kung puno ang bibig, ay bawal na lubos sa dakilang bait, at gayon din naman ang sadyang pag gamit ng dalawang panga sa pagkai'pangit. huag mong paapawin ang baso copa ng tubig alak at kahit anu pa; bagu ka uminom pahiran mu muna ang iyong mga labi ng laang servilyeta. kung maka inom na ay gayon din naman ang mga labi mo'pahirang agapan; at huag kang umihip wari alinsangan, ang gayo,bawal nga sa dakilang asal. at kung alayan ka ng iyong kasalo ng alak kaya maging kahit ano, sa di mu man kanin ay tatangapin mo at pasalamatan ang alay sa iyo. at kung may dadatal na ibang panauhin, lalot kakilala'anyayahang tambing. huwag kang sumubo at siya,iyong hinting makapasok muna at kayo,lisanin. kung kayo'magtipon upanding mag aliw, ikaw ay magsaya, ngunit magmahinhin. pinaka matanda ay papamiliin ng larong mainam na inyong gagawin. sa alin mang laro ay huag kang magdaya at huag ka rin namang mag ingay na lubha. kung may alanganin dapat pahatul nga sa hindi kalarung mga matatanda. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | at kung may dumating na iyong kaibigan, sinu man kaya, lalu at marangal, ang ukol sa iyo sa kaniya'ialay ibig pu ba ninyong makipag aliwan sakali at ikaw ay siyang manalo, sino man ang kulang ay huag singilin mo, at huag mong sabihing magbayad po kayo pahiwatig lamang ang kulang ay sino isang nananalo'di dapat umalis, kung di may malaking dahilang mahigpit; nguni at ang talo ay makatitindig at huag magpakita ng kaunting galit. kung nananalo ka ay huag kang magdiwang kung natatalo ka'huag magngitngit naman, sa laro'madalas mahalatang tunay ang walang magaling na pinag aralan. babayi'di sukat lumakad sa daan ng walang kasama at pangit na tignan. ngunit sa lalaki ay hindi kailangang mapag isa kahit saan mang galaan. sa alin mang dako na ukol sa madla ikaw ay magbihis ng hindi masagwa; nguni at huag naman ang napakadukha, kaya marumi, kung dili may sira. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | at kung babayi ka, huag mong pakapalan mukha mo ng pulbos, pagka'di mainam: manipis na pahid marikit na tingnan, ang kinang ng balat huag na di maparam. may iinam kaya sa kulay ng balat nating kayumangi'makinis, maligat? pintor at poeta'iyan ang pangarap sapagka'nandiyan ang buhay ng dilag. paka ilagan mo ang satsat at daldal, gayon din ay huag kang magdunung dunungan; nguni at huag namang parang piping tunay pagka'ito'tanda ng pagka walang muang. kung may kasama kang dapat na dangalin ikaw ay lumagay sa kaliwang piling, at kung sa banketa'gumilid kang tambing sa dako ng bakod siya'padaanin. kung masalubungan ang isang babayi sa mga banketa na aking sinabi ay dapat gumilid ang isang lalaki bumabang saglit, ang gayon ay puri. maging kahit sino ang iyong masundan, kung ibig mong siya'iyong malampasan, ikaw ay bumaba gumilid lamang, sa dako ng bakod ay huag kang magdaan. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | kung ang kasama mo ay may makausap na wari ay lihim lumayo kang agad, upang huag sabihing nakikitalastas ka nga sa usapang di dapat mahayag. kung kayo ay tatlo sa mga galaan ay igitna ninyo ang itinatanghal, nguni at kung kayo'magka isang dangal, magka kulay damit sa tabi ay bagay. at gayon din naman ang magkasintaas, sa dalawang tabi sila nararapat, ang isang mababa kaya matankad ay siyang igitna, ang gayon ay sukat. kailangan ngang lubos na iyong isabay sa mga kasama ang iyong paghakbang kung kayo'titigil, ang iyong katawan at ulo'itayo ng anyong mainam. kung sa mga pinto ikaw ay papasok, hakbangan landas na sadyang makipot, kung may kasama kang dapat na ilusok, paunahin siya'ikaw ay sumunod. sa mga karuage at mga, kalesa kung kayo'nasakay ay huag kang mauna; sa piling na kanan paupuin siya, sa dakong kaliwa doon lumagay ka. nguni at kung kiles ang inyong sasakyan lalut apat kayo'huli ka rin naman; sila'paupuin sa dakong unahan, sa tabi ng pinto doon ka lumagay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | paghintu na ninyo at kayo'bababa, ikaw ay maunang umibis na kusa. kung siya'babayi kaya matanda, agad mong abutin alalayang lubha. babayin tumitindig sa kaniyang upuan at anyong aalis, may paroroonan, ang iyong pagsuyo pagdaka,ialay: ikadadangal kong kayo po'samahan . ito'kagawian sa asal dakila, maging sa dulaan, maging sa pag gala, maging sa pagkain kung uupu na nga, sumaliw sa piano tumugtug kaya. pagka'sa babayi'pagdusta ngang tunay ng isang lalaki kung hindi samahan; kaya,ang babayi'nararapat namang lalaki'huag hiyain at pasalamatan. at kung hindi gayo'mapipintasan ka, mangmang na babayi, walang munting sigla, para kang babayin bundok na talaga, sa ugaling bayan ay di pa bihasa. huag mong gagayahan ang mga pintasin ang balang makita'agad susukatin: gumagawa nito'iyong mga haling na hindi nag aral ng pagka mahinhin. kung paparoon ka sa mga sayawan, sa mga teatro'mga kapisanan, pakatandaan mong iyong katunkulan ang lalong mabining pagkamatimtiman. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | sa alin mang bagay na sadyang di pangit ay huag mong hiyain ang sino man kahit; magbigay loob ka, na di mo man ibig, upang purihin ka ng mga mabait. alin mang religion ay huag mong tawanan mga dasal nila ay pagpitaganan. ang mga ugali sa alin mang bayan gayon din ay dapat na iyong igalang. ang sa protestanteng ginagawang kulto, at ang kay mahoma, at ang kay confucio, at ang sa iglesia filipinang bago ay iyong igalang, sampu ng romano. ang ugaling moro, ang ugaling insik, ang sa amerikano, ang sa mga ingles, kastila,aleman, ang sa taga bukid at kahit alin pa,igalang mong tikis. ang iyong religion ay kahit alin man at ang iyong ugali,dalisaying tunay: hayaan ang iba,huag ipagputakang lahat ay masama,ang iyo'mainam. sa harap ng iba ay huag kang magbihis, magputol ng kuko, maghilod, mag ahit, huag kang magpabahin, magpunas, magwalis at ang magpaputok ng daliri,pangit. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | bawal na totoo sa dakilang asal sa harap ng iba'makipagbulungan; nguni at lalu pang kasama samaan ang nakikibasa sa bukas na liham. at gayon din naman ay masamang lubos ang sa sumusulat kusang panonood; ang sa nag uusap naman ay manubok ay pangit na lubha at asal na buktot, sa harap ng iba ay huag kang bumahin ng napakalakas, sapagka'pangit din. ang labi mut kuko ay huag mong kagatin, ang mga paa mo'huag pakinigin. huag mong gagayahin ang asal mababa ng sa bawa'bigkas, isang panunumpa ang mga mahalay salitang salaula na gaya ng kulog!. ay kahiya hiya. magmatimtiman ka sa mga harapan, ang masayang mukha'lubos na kailangan ikaw ay ngumiti ng maminsan minsan at kung matawa ka ay huag mong lakasan. kung nakatayu ka'may kakaharipin, ay huag kang sumandal sa pinto dingding; ang mga kamay mo'huag may butingtingin, ang dalawang paa'itayong butihin. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | kung naka upu ka'ang iyong mga hita ay huag pagpatungin sapagka'pangit nga at huag mu rin namang paunating lubha ang iyong mga paa sa may dakong gitna. sa usapang di mo lubos nalilining, ay huag kang sumisid ng lubhang malalim: ikaw ay pumakli, kung bagat may dahil; ang bawat bigkas mo'timbanging magaling. ang kahima,sino,huag mong pagmamasdang parang sinisiyasat: ang gayon ay bawal; nguni,titingnan mong sandali kung minsan, ng di parang iyong pinagmamalakhan. pintasan ang mga birong matutulis, nguni at kailangan ang huag kang magalit: kung di magsitigil, ay huag kang dumingig, humanap ng ibang iyong makaniig. ang ganda ng iba,huag mong kaingitan, at gayon din naman ang sa ibang yaman; subali kung siya kay sa iyo,mainam, ay ipagtapat mong mainam siyang tunay. ang na ito ay akma sa lahat ng marangal na ugali sa sanglibutan. dalaw na bigay loob ay ang unang pagdalaw sa isang nagaanyayang dalawin sa kaniyang pamamahay. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | ang salitang ipagmaka ano ay siyang katuturan sa tagalog na dalisay ng maling salitang cumusta na nangaling sa wikang kastilang como esta ang kahulugan ng bali ng tarheta sa alinmang apat na sulok ay dalaw. hindi ang pagyukung pangit na anaki ay natatakot nahihiya, kung di yaong magandang kilos na bahagyang hutok ng baiwang, kaunting pagbaba ng ulo at masayang mukha. ang salitang ay nagagamit ng kahit, iisa'walang kasama, at siyang palaging kagamitan ng mga maririkit managalog, gaya rin ng salitang na ginagamit at ipinapalit sa salitang . sa katunayan nga ay marikit pakingan ang kay sa. marikit pakingan ang magtuloy po dine sa kay sa magtuloy pu dini sa. kung hindi pa nalalaman ng pinagpapa alaman ang pangalan ng nagpapa alam, ay kailangan sabihin. miguel bantog at esther dalisay. mga piling kaibigan. tangapin pu nila ang masigabong tua na ambag niaring loob sa ikaliligaya hangang buhay nang kani lang malugod na pagiisang puso. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | ninanais ku po ng taimtim sa calooban na abuluyan sila ng langit ng saganang biaya. feliza ilawdagat octubre. jacob pinkian. piling katoto: hinatdan kita ng masayang paonlak dahil sa paglusok mo sa iyong pinapasukan. ninanais kong ikaw ay dumakila sa ikadadangal nitong ating lupang tinubuan. sumasa iyo. abdon sinagaraw octubre. concepcion panghalina mahal na ginoo: uma anib pu ako ng tunay na pagdamay sa kahapisang inilagak sa inyo ng kamatayang sumamsam ng mahalagang buhay ng inyong nasirang kapatid. sumalangit nawa siya! mag utos pu sila. alberto maningas octubre. ninay na giliw: binabati kita ng boong tua dahil sa araw ng iyong kapanganakan. uma anib ako sa iyong malugod na kasayahan at ninanais ko ng taos sa puso na lumawig nawa ang iyong buhay sa gitna ng lalong maligayang kapalaran: tangapin mo ang aking masintahing halik. ang iyong iday. octubre. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Aurelio Tolentino | mahal na ginoo: ikinadadangal ku po ang aking pag anib sa inyong malugod na kasayahan, dahil sa malubay na pagsupling ng inyong giliw na asawa. ninanais kong ang bagong supling ay lumago, mamulaklak at magbunga sa ikagiginhawa ng bayan. na sa pagpipitagan, leonardo tagabundok. | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ilang ilang niao'buwan ng diciembre at ang malamig na simoy ay umaanyaya sa tanang na sumangap ng maligayang sandaling iniaalay ng kaparangan, at baga man dito sa ati'di kaugalian ang magaksaya ng panahon sa paglilibang, ay ilan kong mga kaibigan ang nakipagyari sa akin na kami'maglakbay sa kagubatan ng mindoro, upang doo'magparaan ng maligayang panahon sa panga ngaso. hindi naglipat araw at guinanap namin ang pinagkasunduan at karakaraka'ang aming mga aso'naka amoy ng lunga marahil ng usa kaya'unahan kaming sumunod sa tungo ng kanilang mga tahulan. sa pagtugaygay na iyao'natiwalag ako sa aking mga kasama at sumandaling humimpil sa lilim ng isang mayabong na kahoy na di ko alumana kung ano ang kanyang pangalan, baga mang labis akong napapataka na sa gayong ilang ay masamyo ko ang di maisaysay na bango na lubhang laganap sa kagubatan na pinaiibayuhan ang bango ng sa tanang sampaga. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | nakaraan ang isang malaking bahagui ng araw at ang pagkainip ay sumagui sa akin, sa di pagkaringig ng anomang hudyat na aming pinagkasunduan, at di ko naman malaman kung saan sila napatungo, kung sukatin ko naman ng malas ang napakalawak na gubat na namamagitan sa akin at sa kabayanan, ay lubha akong nalulula sa di matapos tapos na mga dawag, na sumasatitig. ang panglulumo ay naghari sa aking damdaming di sanay sa gayong mga ilang at nawalan ako ng kayang lumayo pa'tuntunin ang landas, sa panganganib na sa pagsasapalaran ko'makasalubong ng mababangis na tamaraw. ano pa'ang pangangamba'lumaganap sa aking kalagayan at sa kadahilanang ito'inihanda ko ang taglay na baril, upang ipagsangalang kung ito'kakailanganin, subli'lalong lumala ang aking pangingilabot, nang mausisa kong wala ang mga punglong taglay at nahulog sa aming pagtatakbuhan, ng di ko man lamag naalumana. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | gumiyaguis na nga sa akin ang lubhang malaking pangangamba at ng tumama ang aking mga titig sa nangungulimlim na pananglaw sa sandaidig, ay napagsiya kong nangungubli nang nagmamadali sa likod ng isang matarik na bundok sa kalunuran. ang pag aalinlangan ay namalagui pang sumandali sa pagayong anyo na nakapangingilabot na banta ng pagkalungi at lubhang binabagabag ang di ko hirating kalooban sa gayong kasindak sindak na kalagayan, nang sa di kawasa'nakamalas ako ng isang matanda, na nagbubuhat sa kalaliman ng isang masukal na yungib na makubli'mamataan ko sa kasukalan ng gubat. sa pag aantay na ito sa inaasahang tagapagtangol marahil sa kapanganibang kong kinalalagyang, ay sumagui naman sa aking ala ala ang mga singaw lupang lagui kong naringig sa matatandang alamat na ibinadha tuwi na, ng nangamatay ko nang mga nuno. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | baga mang ang pagkatakot ay labis na nagpapasakit, ay pinapaghari korin sa sarili ang mayamang aral ng na pinagsikapan ng aking mga magulang na siya kong palaguing panangnan sa ano mang kapanganyayang haharap at ang pakatiwala kong ito'siyang bumubuhay ng aking loob. sa aking mahabang pananalangin ay dumating din ang inaantabayanan nang hindi man lamang ako nainip at pagkalapit niya sa aking kinalalagyan, ay naulinig ko pa ang ganitong pag aawit: oh hiwagang lagui sa mga pangarap aliwan ng laguim na nagpapahirap ikaw nga ang siyang wagas kong pag asa, na magkakandili sa luoy kong puso na pinakaapi at tuwi tuwi na'inayop ng dusa; at siyang hantungan ng mga paghamak ang nilungoy lungoy ng aba kong palad. ikaw din ang kusang lubos sumiphayo sa niluhog luhog ng aba kong puso; at dina na awang mag gawad maglagda ng hatol na imbi na siyang papatay sa abang kumasi'walang kasalanan kahit na ano man, kundi ang sa iyo'lubos na isuyo ang iyong nalamang hindi man kinuro. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | kung ang mga laguim at pagkahilahil siyang magdudulot sa iyo ng saya iyo ng sabihin at aking gagawin ang ano mang ibig na ipababata kahit ikaputi ng aking hininga. pagkaraan ng kanyang pagaawit ay tumanong. ano, anak ko ang naghatid sa iyo dito sa ilang na pook? kagalang galang na matanda ang aking tugon ang maling akalang aksayahin ang panahon sa paglilibang at ligaliguin ang nangatatahimik na hayop sa kanilang himpilan. ikaw baga'nag iisa? sa ngayon po; pagka'ako'napatiwalag sa aking mga kasamang hindi ko malaman kung saan nangapasuot. lubhang malayo ang iyong kinapatunguhan. ano pong pook ito? ang usisa ko sa kausap. ito ang lupalop na pinamagatang ilang ilang ang tugon sa akin. ilang ilang!. ano po ang kahulugan niyaon? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | iyao'isang buhay, sumandaling nagkuro ang aking kausap at saka ipinatuloy yamang hindi ka rin makababalik sa kabayanan, samantalang hindi umuumaga, ay pakingan mong sumandali ang isasalaysay, kasabay nang anyayang magparaan kami ng mapanglaw na gabi sa kanyang kublihan. nagkakaakbay kaming lumusong at hinawi ang nangangapal na talahiban, samantalang ang sisikdo sikdo kong puso ay nagbabalita sa akin ng isang bagay na mahalaga. sarisaring gunita ang sumaisip, balintulot yaring loob; ngunit hindi ko magawa ang umurong pagkapalibhasa'lalong ma panganib ang matulog sa parang. pagkalipas ng paglusong namin sa madilim na yungib na kinamataan ko sa matanda, ay sinapit ang kanyang tahanan, doo'guinanap ang kanyang pangakong ibuhay at ang binanguit na alamat ng ilang ilang ay sinimulan na. nalaman mo anak ko: magbuhat nang ako'gawaran ng sumpa ng makapangyarihan, ay hindi na ako nagkapalad na makaulinig ng tinig tao. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | laguing guimiguiyaguis sa akin ang bigat ng kahatulang iyaon sa nagawang kasalanan, sa hindi rin iba'tunay kong anak na pinag isipan kong gahisin, nguni'ang gayong napakahamak na gawa'pinagdurusahan ko ngayon ng isang napakahirap na parusa, gaya ng tinitiis kong pagkawalang kamatayan, pamamalaguing mabuhay sa ganitong ligalig. paano po ang nangyari? ang pahanga kong tanong. ako'isang binata noon ang tugon ng aking kausap na lubhang mawilihing paglibangan ang tanang binibini, at lagui kong minamatwid kangino man na hindi ano mang kapanagutan sa mga ipinasyang mabuhay kayo at dumami . ang auking mga guinawa. sa di kawasa'nagkaroon ako ng isang anak na napakagandang babayi at sa pag aakala kong iligtas sa mga hibo ng mundo, kung siya'magkaisip, gayon din sakawikaang, baka pagbayad ay dinala ko nga rito sa masukal na ilang, magbuhat pa sa pagkasangol at ng huwag ng makilala ang katauhan at maiwasan naman ang laguing pagkapahamak na sinasapit ng mga walang malay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang pangangalaga sa kanya'ikinatiwala ko sa isang matandang babaying pipi, upang huag niyang makilala ang mga hiwaga sa buhay, ang lihim ng tao, gayon din ang kanyang pinangalingan. sa tuwi tuwi na'dinadalhan ko ng ikabubuhay; nguni'hindi ako na pakikita, upang huag magkapanahong ako'usisain ng ano man. sa di kawasay nang maglalabing tatlong taon sa gayong pagkakatago ay tinamaan ako ng kanyang mga titig at pumanaw sa akin ang damdaming ama. nabihag ang mawilihin kong hilig na mangibig kangino man, na makapag aalay sa akin ng pampawi ng lagui kong uhaw na hangad, at ito ang nag wagui sa aking puso. hindi na ako lumusong sa kabayanan; ang kanyang kagandahan ay bumihag sa akin, at lubhang sumasal ang paghahangad kong putihin ang impok niyang ganda na hindi ko nakita sa boong pinagdaanan sa buhay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | lumipas ang ilang sandali ng alinlangang itaguyod ang napakahamak kong hinangad at naghari din sa akin ang dating iminamatwid na, tayo'galing sa magkakapatid mag aama, at magkakamag anak at pinapaghari ko ang kanyang pagkahangal na di ipinahihiwatig ang katotohanan ng aming pagkamag ama. siya naman, pagkapalibhasa'hindi nagkapalad makaulinig ng tingig ng kanyang kapwa, ay lubhang na aliw sa aking mga pangungusap, lalo na ng maulinig ang matamis na inaawit ng kanyang ina na napaukit sa aking budhi at siya namang lagui kong inuulit, ay ginawaran ako ng mahinhing lambing inilingay ang kanyang ulo sa aking balikat at lalong naghapdi ang sugat ng aking puso at sumasal ang aking masamang hangad. ano pong awit iyaon? iyaon pu bagang naulinig ko kangina. oo; yaon nga at inulit ang magandang kundiman. pagkatapos ay ipinatuloy ang pagbubuhay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | dumating ang mapanganib na sandali at gumiyaguis na nag ulol sa akin ang hibo ni satanas, at inakala ko nang ganapin ang marugis na isinabudhi, datapwa'nang isasagawa ko na, ay di naman nagkaroon ng bahagya man lamang na pagsalansang ang aking anak, pagkapalibhasa'di natatahong iyao'sawi sa mga kautusan. inanyayahan kong sumama sa lihim ng kahoy na ating pinangalingan, na siya kong napiling maguing saksi ng kapaslangan kong kakamtin; anyayang hindi sinalansang kahit bahagya at malugod pinaunlakan; nguni'di pinahintulutan ng pagkakataon na maganap, ang aking aasalin at isang malakas na buhawi'binakli ang marupok na kahoy, na niyaong una, ay di man lamang nagagamit sa ano mang kailangan ng tao at siyang humadlang na nagbigay wakas sa aking kaawa awang anak. kapwa kami napatigalgal sa sumandalin iyaon at ipinatuloy ng matanda ang nauntol na ibinubuhay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | nang maganap ang malupit na hatol ng pagkakataon akin nang isinaysay pagdaka'lumabas ang isang sugo ng makapangyarihan at bumigkas ng ganito: di mo matutuklas ang kamatayan at mabubuhay kang tagapag alaga ng kahoy na iyang humadlang sa iyong karumaldumal na aasalin. lumipas ang ilang panahon at nang aking datnan ang kahoy na yaon ay labis akona napahanga sa pagkakamalas na hitik na hitik ng mababangong sampaga at isang hibik ang mamutawi sa akin:. na naguing saksi ng aking pagkalungi kailan mo ako patatawarin? muling lumabas ang isag sugo at ibinadha ang ganito: kung kailan, may mapatungo ritong isang tao na mapagsalaysayan mo ng guinanap na sala ay asahan mong pinatawad ka na ng diyos at biglang nawala ang angel na aking kausap at ang binanguit na taong iyaon na aking pagkukumpisalan ay ikao at dili iba marahil na sugo ring nang maykapal, upang pahintulutan niyang ako'umakyat sa kaloalhatian ng langit. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | pagkaraan ng mga salaysay na ito'nawala ang aking kausap at nang aking pinaghahanap, ako'nagsising. ako pala'nangangarap lamang. ang hitso isang ugaling hanga ngayon ay taglay ng mga tagarito sa atin ang ipanalubong sa mga panauhin ang ngataing hitso . ang lahat ng bagay ay maaaring malimutan; datapwa'ang alay na ito na pinagkagawian na lalonglalo na sa mga lalawigan ay tunay na hindi nakakalingantan, at naguiguing catungkulan na halos, ang maghanda, at gumamit na man, lubha pa'kung ang mag aalay ay isang binibini. dahil sa bagay na ito'pinag ukulan ko tuloy ng isang pagkakaabala ang pagtunton kung bakit natuklas ang tatlong bagay na pinaglahok at pinamagatang hitso . bakit ang ikmo, bunga at apog ay nagawang pagsamasamahin, at nagagamit na pang alay sa mga panauhin? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ito ang hindi abutin ng aking pag hahaka at siya namang pinagpumilitang, kahit banaag ay matuklas ang sanhi, at sa matiyagang katatanong sa mga palanganga, ay nahalaw ko ang ibubuhay ngayon; nguni'totoo kaya ang sinalita sa akin? sa ano ma'tahoin natin. isang hapon sa nais kong sumagap ng malamig na simoy na nakaaanya sa mga naaalinsanganan, ay nilisan kong sumandali ang lubhang maraming gawain at tinungong sumandali ang kalapit na nayon ng pasay, na siyang nababalitang may malalawak na ikmuhan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | dalawang bagay ang nais kong maganap sa isang kilos, at ito nga'ang makasagap ng malamig na simoy at mapanood naman ang maayos napagkakatanim ng halamang ikmo, na, halos maituturing ayon sa kabalitaan, na ang bayang iyaon ay siyang sinisibulan ng pinakabuting ikmo na pinagkakabalahan kong alamin; ngun'di lamang iyaon ang napala ng aking paglilibang at hindi ko man kinukusa ay nakaulinig ako ng isang nakalalaguim na pag aawit na nagbubuhat sa isang masukal na bulaos na nakakalungan ng makapal na gubat ng ikmo. tumiguil akong sandali at pinalad namang masapol buhat sa simula ang talaytay ng kundimang ganito ang hanay; malasin guiliw ko ang daloy ng tubig na nagki kinangan sa galaw ng batis, malasin ang bula sa pamimilansik at iyong itulad sa iyong paglingap, at kung yaon nga ang siyang kawangis dagling kamataya'akin masasapit. gayon din masdan mong napa iitaas ang maputing asong naglalakbay ulap, siya'panganorin iisa sa malas; yaon ba'kawangis ng iyong pag ibig? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | kung tunay na gayon, akin ng talastas na ang pag ibig mo'madaling mangupas. ang paro'parito ng simoy ng hangin, nakapagdudulot ng lamig at aliw datapwa'kung gayon ang iyong pag guiliw, ay lubos katulad ng isang pag hamak at wala na akong hihintay hintaying matapat sumintang hantungan ng daing. lubos akong nasiyahan sa kataong iyaon, at ng matapos ang mapanglaw na pag aawit ay pinapaglakbay ko ang isipan sa kalawakan ng mga hiwaga, hinahalaw doon sa tanang malikmata, ang isang kagandahang mapag uukulan ng matimyas na tingig na aking napakingan. pagkalipas ng ilang sandali, ay sumatitig ko na naman ang nagdidilim na ikmuhan at nanariwang muli ang sanhing ikinapatungo ko roon, ang dati ring nais na matalos ang pinagbuhatan ng paggamit at pakikinabang sa isang halamang sakdal hangalay, na gaya ng ikmo sa di kawasa ay lumapit sa akin at malugod na bumati ang isang matanda, na tila tunay na kakilala kasabay ng malugod na anyayang magtuloy sa kalooban ng kanilang bakuran. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | nang unang bugso, ay sumagui sa aking loob ang isang malaking alinlangan; nguni'dagling napawi at nanagumpay ang mapiling amuki na ako'magtuloy. pagdating namin sa loob ng halamanan ay dinatnang nakaluklok sa isang papag papagan ang isang binibining napakahinhin ang anyo, na marahil ay siyang pinangalingan ng mapanglaw na pag aawit na aking kinahangaan. matalaghay ang kabuuan ng kanyang maamong mukha; malamlam ang titig kayumanguing kaligatan ang kulay, mahayap ang ilong at nakabibihag ang maramot na ngiting nanasnaw sa kanyang guinumamelang labi. isang sulyap na panakaw at pagdaka'binawi ang biglang tumudla sa aking puso at ng mga sandaling yaon ay kanyang binihag. tumalilis na biglang tinungo ang halamanan pagkakita sa akin at pagkua'pumitas ng ilang dahong ikmo. di naglao'bumalik sa aming kinaroroonan, muling lumuklok at mabihasang pinagpilas ang mga dahong taglay at pinirot na guinawang hitso. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | di ko sinawaang panoorin ang mahayap na mga daliri at tunay kong kinahangaan, ang kainamang tumangap ng panauhin, na, baga mang di lubhang kilala, ay pinagkaabalahang kawangis ng isang lalong matalik na kaibigan; sa biglang sabi ang kaugaliang mag alay ng hitso ay kanyang tinupad; nguni'hindi ako marunong ngumanga; at sa nais kong mapaunlakan ang kanyang pagkaka ala ala, ay kumuha ako ng kanyang malugod na iniaalay, kasabay ng isang maguiliw na usisa sa matanda na kung bakit natuklas, na ang bunga, iyaong mapakla at walang saysay na bungang kahoy na di nagtamo ng ano mang pamagat, at ang ikmo na lubhang mahanglay, ay kung mapalahok sa nakapapasong apog ay napag ayaw, at ayon sa naguing hilig na kinaguisnan ay siyang naguing panalubong panauhin. nang una, ay inakala kong ang pag uusisa ay naaksaya at di ko batid na ang itutugon sa akin ay lubhang mapakinabang at mandi'mapaniniwalaang iyaon nga marahil ang pinagbuhatan ng viciong ngumanga. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | isang ganap na kasaysayan ang kaniyang sinalita na uulitin ko ngayon ayon sa nalabi sa aking ala ala: anya'nang mga unang dako, na ang pagnganga ay hindi pa kilala; ang halamang ikmo ay lubhang gumugubat, at sampuong nangaglaboy na hayop sa kaparangan, ay hindi magtamong pakinabang sa halamang tinutukoy. bakit kaya siya pinasibol kung walang kapakinabangan? maraming pagsusumikap ang guinawa, upang huag ng muling sumibol, datapua'isang halamang hindi maagad ng maglilinang pagkapalibhasa'walang pakinabang at isang himutok na inulit ng mga nahuhuli ang sa kanya'iguinawad ng mga nauna sa atin. halamang walang pakinabang, kailan ma'di mamamatay at ang himutok na tinukoy ay naguing sumpang iniukol ng mga nahuhuli sa ano mang bagay na walang maidulot na kapakinabangan. isa pang halamang lubhang nanghahaguay na may masagananang bunga, ang hindi rin pakinabangan at siya namang pinag uukyabitan ng halamang ikmo . | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sa kasaganaan ng bunga ng halamang ito na, walang mapaggamitan, ay hindi pinagkalooban ng ano mang pangalang pagkakakilanlan, gaya ng sa ibang bungang kahoy, yamang hindi rin lamang siya nagagamit, at nangasyahan na ang nanga una sa atin na pamagatan siya ng pangalang: bunga . | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang lahat ng nakilalang halamang bumubunga at nag dudulot sa mga tao ng ano mang pakinabang, ay nagtamo ng pangalawang pangalang pinakasaguisag na pagkakakilanlan; datapwa'ang halamang bunga ay siyang napakatangi na hindi nagtamo ng biyaya mabinyagan, at ang kanyang puno ay pinamagatan na lamang ng bunga lubhang maraming salin saling kaugalian ang yumaon ang idinugtong ng matanda ang mga bagong sibul na batbat ng katalinuhan, ay di nangasiyahang siya'panoorin na lamang at gamiting palamuti sa mga kaparangan, hindi nayag na siya'hindi magamit, at lahat ng sikap ay guinugol upang maangkapan ng ikapakikinabang sa kaniya; nguni'ang kanyang tingtinging puno ay hindi maagpang sa ano mang paggamitan dahil sa napakarupok, datapwa'isang kataon, (yamang nginanganlan kataon ang mga bagay na nangyayari ng hindi kinukusa, baga mang ang lahat ng bagay ay nakatakda, na talagang mangyayari) ay isang tanghali umano na ang isang taong hindi pa nakasasapit sa mga lupalop na yaon at hindi pa nakakikilala sa dalawang halamang ating ibinubuhay (ang ikmo at bunga, ay sinumpong ng pagkadayukdok at walang malamang sulingan ng katutuklasan ng ipagpapatid gutom. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | tinamaan ng kanyang malas ang puno ng halamang hitik na hitik ng mapupulang anaki'hinog na bunga, at sa paniwalang makapagdudulot sa kanyang kagutuman ng malinamnam na pagkain, ay dagling pumitas at linasa ang pinakalaman; subali'tangi sa isang matigas at mapaklang nakapaglalaway, ay wala siyang nalasap; bagama'binayaan na sa kanyang bibig yamang lubhang nanunuyo ang kanyang lalamunan at iyao'nakapananariwa. sa malaking kagutuman ng abang napaligaw na yaon ng landasin, ay lumabnot ng ilang dahon ng ikmo na nagsusumawang lumingkis sa puno ng bunga nginata rin at ninamnam ang mahanglay na dahon ng ikmo nguni'hindi tangapin ng kanyang sikmara at ang laway niya ay lubhang kumakatay; subali'ang hindi kinukusang pagkakahalo ng ikmo sa bunga ay nagkatalo at ang pakla at ang hanglay ay nakaayaw at nalasap niya ang isang panglibang na ngataing nakapagpapasariwa ng lalamunan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sa di kawasa ay dumating siya sa isang bahay at sa masidhing hangad na makakain kahit na ano, ay tinikman ang isang bagay na maputing nasa isang munting pasu pasuan sa ibabaw ng bintana; ang maputing kanyang tinikman, ay apog na ipinanguguhit ng may bahay sa mga panakot ng halaman. hindi niya sinasadya ang pagkakahalo halo ng tatlong bagay na hindi kilala; ngunit wari'pinagtiyap itinuro sa kanya ng pangangailangan ang isang ngataing panglibang sa gutom. tinaglay niya hangang bayan ang tatlong bagay na kanyang natuklas at ipinagparangalan sa mga dinatnan. aanhin mo iyan? ang usisa ng kanyang mga kasama sa bahay. ang tugon kung nalalaman ninyo ang kapakinabangan ng tatlong ito kung magkahalo at ipinakitang muli ang ikmo, bunga at apog ay walang salang di ninyo pakamamahalin. anong pakinabang ang maidudulot ng tatlong bagay na iyan? bilang tugon ay naglahok at inialay na pinatikman sa mga kasangbahay. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | labis daw na napahanga ang mga dinulutan sa pagkakalasap ng isang mabisang pampasariwa ng lalamunan, at buhat na noo'pinasimulan na ang pagpapatikim sa bawa'dumating na kasambahay, hangang sa naguing kaugaliang ipanalubong sa panauhin ang hitso . ang salitang paglahukin ay itinutumbas nila sa salitang pahitso at hanga ngayon ang mga panday ng pilak ay tinataglay pa, ang salitang pahitso sa paglalahok ng guinto. sa pamamag itan ng salinsaling kaugalian ay binawas na ang salitang sa hitso yamang yaon ay pangdugtong pangungusap nga lamang. pagkatapos ng malawig na salaysay ng matanda ay tinikman ko kapagdaka ang inaalay sa akin ng binibini at doon ko napagsiya na tunay ngang nakalilibang at nakapananariwa ng lalamunan, at kung mahirati na sa pagngata niyaon ay naipampapawi na raw ng uhaw at gutom, ang pinagpalang hitso . sa lahat ng iyaon, at sa panganga nib kong ako'kayamutan ay napaalam na, at nangakong muling babalik. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | samantalang binabagtas ko ang ikmuhan ay muli kong naulinig ang mapanglaw na pag aawit na bumihag sa aking puso. sino kaya ang pinag uukulan niya ng mga panambitang iyaon? siya kaya'may katipang tumatakuil sa mga ipinangako? ito ang bumabagabag sa aking sarili nang papauwi na sa bahay at siyang umaanyayang muli siyang sadyain; nguni'lubos na nagpasakit ang mabisang panibugho sa kanyang pinag uukulan at siyang sanhi ng di ko na muling idinalaw. sabay kong natuklas ang pag ibig at ang. hinihiling sa aking kasayaha'tulain . saan man ibaling yaring pag iisip nakikita'luha at mga pasakit kahit sa sariling buhay na tahimik gayon din sa bayang pinakaiibig ay walang lumual sa kudyaping tingig liban na sa lungkot at mga ligalig. sa bayan ang malas kung aking itanaw ang nangakikita'pawang kapanglawan, magkabi kabila'ang pag iiringan na inihahasik ng buhing makamkam at nangagnanais tanghali'igalang kahit na mahamak ang sariling bayan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | sa kabila noon ay bilang pamana na kanilang alay sa bayan at ina, ay ang pang aapi at pag alimura; ang gayo'kung aking mapag ala ala tinis ng kudyapi ay ngangapa ngapa at ayaw magbigay ng lugod at saya. at paghamak lamang, pagsumpa'pag ayop daing ng hinagpis ang itinitibok nalilimot tuloy ang ugaling bantog na mahinhi'wagas ng lahing tagalog, dahil sa iilang asal na sumalot ng sariling yaman hindi man inimpok. ano kaya ngayon ang aking gagawin sa iyong napitang ako'paawitin guinaganap ko man ng boong pag guiliw ay ang lumuluwal na tinis ay daing at hindi pumulas ang mithi mong hiling. kasayaha'nanaw sa aking damdamin. pagtamanan mo na ang taghoy ng puso kahit napipigta sa luhang tumulo, pagka'ang ligaya ay hindi makurong kusang magwawagui sa madlang siphayo, na nangingibabaw sa puring nag laho, sa puring salantang, lugami at hapo. nakasunod kaya sa hingi mo'pita ang anak na busong sabik sa ligaya? | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | hindi man nasiyahan sapagka'di kaya ang daliting ngayon ang iyong ligaya ay lubos tangapin ng boong pag sinta: larawan ng dusa. ang tubo ang mga alamat kung minsan ay tunay na salat sa katotohanan; datapuwa'lubhang kailangang buhayin ang mga salinsaling balita yamang ang karamihan ng ating pinaniniwalaan ay badha niyaon, at ng mga pangyayari; kaya'ang sasalaysayin ngayon ay tunay na hindi ko na malaman kung saan ko naringig kung sa aling kasaysayan ko nabasa bagamang sariwang sariwa sa aking ala ala ang pagkakapangyayari. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | katanghalian daw noon ng buan ng marzo, mainit na lubha ang daloy ng mga sinag ng araw, kaya'ang kaalinsanganan, ay di magpatiwasay sa madla, lalong lalo na doon sa mga pangkating pinag uusig ng mga batas, doon sa nangabubuhay sa pamamag itan ng pawis ng iba at walang bilang himpilan kungdi ang madadawag at masukal na yungib sa kaparangan; doon sa lupalop na pangublihan man ay wala, at paubayang pinasasaksihan sa tumutunghay na langit ang tanang kabuhungan kanilang lagui nang ikinaaaliw. sa panig ng sansinukob na pinangyarihan ng buhay na ito, ay wala niyaong mayayabong na halamang karaniwang sumibol sa mga kabundukan, na nagkakandili sa tanang magnais na sa kanya'manganlong, doo'wala nga, iyaong malalabay na sanga ng nangag lalakihang punong kahoy na naggagawad sa madla ng malalamig na lilim kung katanghalian, at tangi sa ilang halamang gumugubat na kawangki ng palasan ay wala ng iba pang sumisibol. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang halamang ito'mabulo ang pinakakatawan matatalim at nakasusugat ang kanyang mga dahon, at walang munti mang maituturing na pakinabang sa kanya; ang sino mang mapasagui, ay dumadanas ng isang di magpatahimik na kakatihan kawangki ng tinatawag nating. umano'sa mga kadawagang iyaon nangungubli ang mga may malalaking sagutin sa pamahalaan, pagka'doo'hindi nakasasapit ang lalong masigasig na kagawad. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | apat kataong nagkaisa ng ugali, at nangasawing mamuhay sa pamamag itan ng panghaharang, ang kasalukuyang tumatalaktak sa matutulis at nakakapasong batong maliliit na nangag sambulat sa mga landasin; ang mainit na simoy ng katanghalian ay tumutupok sa kanilang mga noo at nagparamdam ng malaking kauhawan; datapwa'ang kanugnog na yaon ng mga lupalop na di sinasapit ng may matahimik na kabuhayan, ay di sinibulan ng tubig; doo'walang mga bukal, walang batisan, at walang ano mang pampawing uhaw na matutuklas; kaya'ang pagngangalit ay siyang pinagbubuntuhan, kaayaw ng pakikiayon, yamang wala namang ibang magawa. sa di kawasa'nakasalubong sila ng isang matandang lalaki na sa kanyang anyo, ay tila may isang malaking katangian at mandi'umaanyayang siya'pakagalangin, datapwa'ang sibul na marungis na budhing taglay ng apat na tinutugaygayan natin, ay siyang nanaig, at inakalang paglibangang uruyin ang kagalang galang na matanda. ang isa sa kanila ay siyang unang umaglahi. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | matandang hukluban, saan ka paro roon sa ganitong kainitan? ang pang unang tanong. ang dugo nito ang ating inumin ang saad ng pangalawa kasabay nang bunot ng itak sa sukbitan na biglang iniyamba. antabayanan muna nating siya'tumugon, bago ganapin ang nais ang salo ng pangatlo. magsalita ka ang pakli ng pang apat. aking hinahanap anang matanda ang panig na aking tinutuklasan ng pampawing uhaw. sa tuwing hapon ang dugtong kung sumasapit ang ikatlong oras ay pinagkakalooban ako ng makapangyarihan na makasimsim ng pampawing uhaw. at saan ka naman kukuha ng maiinom sa kadawagang ito, na kinaigahan ng tubig at kinaitan ng kanyang balong? tingnan natin at tila ito ang makapag aalay ng ating kailangang di matuklas ang anas ng isa sa kanyang kasama. kung ang pagkakatiwala sa kanya'ating ilalagay ay matitira tayo sa isang kabiguan ang paangil na tugon. narito anang matanda ang lagui kong iniinom kung dumarating ang oras na aking sinambit. dito'walang batisan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | hindi ko kailangan ang makikinang na daloy ng batis, upang ipamawi ng kauhawan; sa aki'sukat ang mga halamang inyong namamalas, pagka'sa kanya'nananamnam ko ang matamis at masaganang katas, sa mga oras na ang sumakop sa tanan, ay nagsabing 'sa kanyang pitong wika, bago naglakbay sa kalowalhatian ng langit at tinalikdan ang pagkatao. tila ito'may nais magpalaganap dito ng mga katakata niyaong mga mapagsampalataya ng kung ano anong kadayaan. ang taong ito'tila tayo ang pag lalaruan ang sabad ng isa. may orasan ba kayong taglay ang malumanay na usisa ng matandang inaaglahi. ang orasan namin ay anyo ng araw na lumiliglig sa boong tinakpan. ano na kayang bahagui ang ating kinalalagyan? tayo'nasa ikatatlo na ng tanghali; yaong oras na inaantabayanan mo upang numamnam ng pinakananais naming pampawing uhaw. hayo ipakita mo sa amin ang pagsipsip ng katas ng halamang iyong sinambit at kapagkayao'aglahi lamang ay kaawa awa ang iyong sasapitin. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | pagkaringig ng bihigkas na ito ng nagtatapangtapangan tulisan ay lumuhod pagdaka ang matanda at idinaing sa lumikha ang kanyang kalagayan; at pagkaraos ng pananalangin ay nagtuluyan bumakli ng mga halamanang naroon at pinangos na sinipsip ang katas. pagkakita nito ng mga tulisan ay nangagsitulad sa matanda at nakipangos naman; datapwa'ang kanilang nalangap, ay ang di masaysay na hanglay at sa kadahilanang ito'inasod ng palo ang kagalanggalang na matanda hangang sa nalugmok sa mga nagkabalibaling sanga ng halaman. sa gayong kahabag habag na anyo'nagturing: oh mga kulang palad! | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | darating ang panahon na inyong pagsisisihan ang inasal na kaimbihan; pagka'sa inyong panunumbalik sa puok na ito sakaling kayo'magkapalad na tanglawan ng pananampalataya sa ating mananakop, ay inyong mapagkikitang ang bawa'tilamsik ng mga dugo ko ay sisibulan ng ganyan ding halaman; subali'ang bawa'dito'tumubo, ay magdudulot sa katauhan ng isang malinamnam at matamis na katas, na siyang katutuklasan ng tanan, ng isang mabisang pampawing uhaw, pampatid gutom at sangkap sa ano mang kakailanganin ng katauhan, pinaslang ninyo ang isang nahilig sa pagninilay ng mahalagang ng ating nawa'siya ninyong laguing pakinabangan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | nakaraan ang isang munting bahagui ng panahon, ang pagkakataon ay naguing tagapamag itan upang ang apat na buhong ay muling mapabalik sa kanilang pinagdausan ng huling kalupitan at nang magunita nila ang mga huling binikas ng napanganyayang matandang kanilang inumog, ay dumanas sila ng isang pagnanais na alamin kung tunay nga ang kaniyang mga huling panambitan, at di nalaunan, ay su matitig nila ang mayayabong na halamang nagsisupling na pawang malulusog, matataba at lubhang mayabong, at silang lahat ay di nakapiguil ng gayong bigkas: tumubo!. naganap ang kanyang huling tagubilin. at sabay na nangagsibakli ng naturang halaman at kanilang pinangos. isang malinamnam at matamis na katas ang kanilang nalasap, at paulit ulit na binigkas na matamis ang tubo na siyang kaipala'sumapit sa ating kapanahunan at ang salitang iyaon na niyaong una'pinalalawig upang ang maguing kahulugan ay supling ngayo'bigla na kung bigkasin at nakikilala sa pangalang tubo. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | bilang pasasalamat ay isang mataos na dalangin ang kanilang pinailanlang sa kalawakan ng hiwaga at isang matamis na pag aawit ang kanilang naulinig na ganito ang badha: ano kaya yaong tinamaang malas na nangingibabaw sa tanang liwanag nagtaboy na bigla'humawi sa ulap na pinaglagusan ng ningning at sinag at umaanyayang lubusang magalak yaring abang pusong sinupil ng hirap? siya kaya yaong maningning na ilaw na pumapatnugot sa sangkatauhan, pananglaw sa gabi ng nadidiliman at sa may pighati'pang aliw na tunay badhang taga turo ng iisang daan sa mga alagad na nangaliligaw? oh kulang na kulang yaring pangungusap upang patunayan nakikitang sinag, ayo'nagniningning, anaki'busilak sa ibabaw niyaong bunton buntong ulap, ayo'bawa'anyo ay isang pagliyag ang isinasaboy sa puso ng lahat. siya yaong pusong kamahal mahalan na ngayon ay ating kinahahangaan siya ang dinusta at pinakapaslang ng sibat ng sala ng sangkatauhan, siya ri'di iba ang kaguinhawahan at tunay na aliw ng may kalumbayan. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | dagli silang nagtindig at pinaghanap ang pinagbubuhatan ng gayong kawiliwiling pag aawit, at nang kanilang makita'lubos napahanga pagka'dili iba kundi ang kaawaawang matandang kanilang pinaslang na biglang nawala sa kasukalan ng gubat. ito nga kaya ang sanhing pinagbuhatan ng halamang tubo?. sa laguing pinagalayan ng mga katha ko .) sa galaw ng tubig; gayon din sa himig na pabalik balik sa lalim, at batong pinag saglit saglit, doo'namamasid ng abang pag big ang kagandahan mo sa linaw ng batis. ang itim mong buhok lugay na nag sabog sa maputing batok, ay siyang anag ag sa batisa'ilog sa dakong pag lubog ng araw sa laot kung makaliglig na sa boong sinukod. at sa pangangarap ng sariling hagap, aking namamalas ang iyong larawang sipian ng. ampunan ng lahat na mga bulaklak na niyuyurakan sa mga paglakad. sa palad na aba kung guinugunita ang pagdaralita ay namamalas kong ikaw ay may awang iniaapula sa agos ng luha ng lunos kong buhay at pusong mahina. | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose N. Sevilla | ang abang ibinudhi'hindi namalagui, dagling binagabag, at ang pag mumuni'kumalag sa tali, at itiniwali ang aba kong palad na inilugami. biglang nasiwalat dini sa hinagap at ipinamalas ang iyong larawang may hinampong ingat na nagtutulak sa aba kong palad at sa lantang pusong napapawakawak. mga talababa: hayop pa sakdal bangis na pagkaamoy sa tao'sinisila; ito'kawangki ng kalabaw baga man may kaliitan, at kailan may hindi napaaamo. tulang binikas ng magandang binibining natalia buencamino sa veladang idinaos sa, niyong ika ng diciembre ng taong. palatuntunan. ilang ilang, tudling,. ang hitso, tudling,. himig nang pighati, tudling,. ang tubo, tudling,. pangarap, tudling,. mga nobelang sinulat ng kumatha nito mapagpuyat . pag ibig ng isang general . (unang bahagui). mapagkandili. (pangalawang bahagui) | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | sa inang filipinas. sa tanang supling mong tunay cong capatid na sa iyo'nag alay ng bunga ng isip ibig cong pumisan, cutad man ang bait, at maguing dangal co sa buhay na quipquip. ng upang sacaling mangiba mang bayan na hindi sarili,, tungtungan co lamang, ina co'! marinig mauica ng ibang aco ay sa iyo marunong magmahal. caya nga,, ang unang sumupling sa bait na hinog na bunga sa tangcay ng saquit alay co sa iyo at pag asa'labis na ito'sacsi rin ng aquing pag ibig. yayamang dugo co, catauan at buhay, talagang iyo na, oh! ina cong bayan! bulaclac ng isip ay ibig co namang ilangcap sa aquing sa iyo'pagdamay. sa bagay na ito'cung aco'sumapit sa pooc na ari ng dalita,, hapis, itong alaala', papaui sa saquit sanhi rin sa iyo oh! bayan cong ibig. hanganang co ito,, aquing ipapaling ang tangang cong pluma sa ibig lumining nitong pinag ugnay ng bait na angquin yamang talastas ng sa iyo ang dahil. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | manang isang hapong dinalao ang buhay niyaong magcaumpoc na lungcot at lumbay, sa isang uupan aco', nagulaylay at pinaguauari itong calagayan. ualang ano ano', sumilang sa isip yaong paglilibang sa jarding mariquit caya nga,, sa lagay aco ay tumindig hinanap ang simoy ng hanging malamig. at aquing tinungo na cusang hinanap ang pooc na tunay ng tanang bulaclac pagdating co roo', pinili co agad ang lalong mariquit, at aquing pinitas. nguni at nalooy, nalagas na tunay nalanta ngang cusa,, bango ay naparam, napaui ang ganda, lumipas ang culay, caya,, ang puso co ay muling nalumbay. at saca inisip cung ano ang dahil bulaclac na tangan nalungcot naman din, puso co'tumiboc ng tiboc mahinhin at uari', pinucao ang aquing panimdim. pinag ugnay ugnay yaring paquiramdam saca binalangcas sa isip ang bagay, niyaong co natanto,, nabatid na tunay, ang lungcot na yao', dahil din sa bayan. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | dito co nabatid cung saan nagbuhat, cung saan sumupling ang lumbay ng lahat, pagca,, natanto co ang fraileng dulingas ay binubusabos inang filipinas. at tuloy dinalao itong ala ala niyaong ualang ngalan na aquing naquita asal na mahalay guinaua ng cura sa isang mag inang ipinahamac niya. ang nangyaring ito'siyang isusulit at gauing libangan ng tanang capatid siya cong na isip itauag sa gayong namasda,, nabatid. puno nang salita. cailan mang panahon ang casamaan cung umiral ma'sa sandali lamang aco. may isang mag inang taga ibang bayan, aquing nalimutan cung ano ang ngalan; ang mag inang ito', mahirap ang buhay, baquit ulila na sa dapat magmahal. may loob sa dios ang babayeng anac may impoc na puri baga ma,, mahirap maganda ang asal, matamis mangusap sino mang tumingi'malulugod agad. ang caniyang ina,lubha ring mabait di saquim sa pilac, totoong malinis, sa arao at gabi'ualang ini isip cung hindi ang gutom canilang mapatid. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | sa isang paraang mabuti,, mahusay, at hindi naghangad ng anomang yaman, cung di yaong anac malinis matanao sa harap ng mundo,, hangang calangitan. dapua,, niyaon nga'may isang dumating sa canilang bayan isang fraileng saquim; at doo'nagcura nangaral na tambing ng utos ng dios na dapat ganapin. diua ay dinalao ng gauang pagsinta ang puso at loob ng nasabing cura, caya,, monaguillo', tinauag pagdaca,, agad pinahanap ng isang dalaga. aniya', libutin ang loob ng bayan at iyong sabihin sa mga magulang na may mga anac na dalagang tunay na sa arao arao', pasa sa simbahan. at huag lilimuting sila ay sasaglit matapos magsimba sa convento', manhic at ito', bilin co siyang isusulit sapagca,, utos nga: ng dios sa langit. itong monaguillo', agad ng sumagot: na caniyang tutupdin sa among na utos, caya nga,, nalis na at cusang naglibot at sa bahay bahay ay manhic manaog. palibhasa ngani ay utos ng cura. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | lahat ng magulang tumupad pagdaca at sa arao arao ay nangagsisimba,, anac na dalaga', canilang casama. pangagaling pa nga doon sa simbahan sa convento nama'mangagtutuluyan: sasalubong dito ang among sa bayan at magpapahalic sa lahat ng camay. dumating ang arao sa gayon ng gayon, dalauang mag ina', piniguil ng among aniya': mag antay at may itatanong sa iniyong dalaua', tila nauucol. ng mapag iuan na niyaong caramihan dalauang mag inang piniguil na tunay ang pag uusisa dito na minulan ng guinoong curang may asal halimao. aniya': ano ba iniyong paghahanap, saan quinucuha cailangang lahat? ang sagot ng ina: ang aquin pong anac tahiing damit sa bahay natangap. ang tugon ng cura: anac mo', maganda ang bagay sa caniya', tauaguing maestra aco ang bahala ilalacad siya,, huag ng manahi magpacailan pa. ang ina', sumagot, sa ganitong turing; salamat po among sa iyong pagtingin, cahimanauari icao po', gantihin ng dios sa langit sa gauang magaling. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | madali,, salita dumating ang arao ualang ano ano', tumangap ng dalao, ng isang sacristan mag inang tinuran sila', tinatauag ng among sa bayan. ang mag inang ito', umayo,, sumama sa doroong tauong alila ng cura, ualang guni guni, ualang ala ala cung di ang pangacong maguiguing maestra . ng sila', dumating sa harap ng among at nacahalic na sa camay ng ungoy ang uica ng cura': tinangap co ngayon ang nombramiento na aquing nilayon. caya nga at icao uica sa dalaga magbuhat na ngayo', tunay ng maestra, dito sa bayan mo, at iiuan mo na yaong pananahi na ualang halaga. tandaan mo lamang itong aquing bilin na sa arao arao huag lilimutin, ang lahat ng bata ay iyong dadalhin dito sa convento,, iharap sa aquin. sagot ng maestra'aquing tatandaan ang tanang bilin po ng among sa bayan, pagcasabi nito, sila', nagpaalam ang toua ng ina', ualang macapantay. sa pagca,, di alam ang nasa sa loob ng curang sinambit na nagmamaayos, ang acala niya'ang gayon ay taos sa puso at dibdib ng lilo'balaquiot. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | magbuhat na niyaon, sa gabi at arao maguinoong cura'laguing dumadalao, sa mag inang ito'ang dinadahilan ay, ang pangangaral ng mabuting asal. nguni at datapua'manang isang hapon ualang ano ano'nagsulit ang among aniya,: tingnan mo, sa ina ang tucoy, ang ninanasa co at dinguin mo ngayon. malaqui ang aquing dalang pagmamahal sa anac mong iyan at magandang asal, caya'yamang cayo'ulila ng tunay sa aquin ay cayo,mabuting pumisan. talastas mo namang maigui ang capit ng sino mang tauong sa cura'sumanib gayon din sa pilac ualang isusulit at sino mang frayle'sagana at sicsic. hindi ca daramdam ng ano mang hirap igagalang ca pa ng capua mong lahat, balana'pupuga'sa iyo'tatauag macapangyarihan, papel ay malapad . ang tugon ng ina': pangit pong malasin sa mata ng lahat cung ito'asalin, caya po'iurong ang nais na linsil ualang masasapit ano mang marating. mabuti pa po ngang tauaguing mahirap, marumi ang damit, sa dangal ay salat, huag ng maturan na aco'may anac babaye ng cura. dios co ay huag! | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | sumagot ang cura sa ganitong sulit, aniya': babaye, icao ay mag isip, dapat acalain na cung aquing ibig, ni ang gobernador di maiaalis. pag nagcataon pa'aco'aayunan balang sabihin co'mangyayaring tunay, caya'isipin mo itong isinaysay, bucas macalaua'huag pagsisihan. tugon ng babaye: icao po'bahala balang ibiguin mo'mangyayaring paua; sa ninanasa po'ualang magagaua pagca'sinungaling ang balat ng lupa. malaqui mang lubha ang capangyarihan nino mang frayleng magcura sa bayan, ualang masasapit, cung pagpipilitang ilapat sa aquin ang pangit na asal. itong sinabi co'itanim sa isip at pagtitibayin buhay ma'maamis, di co acalaing mag asal bulisic, ang isang ministro ng dios sa langit! nang ito'marinig ng curang causap sa pagcaupo nga'tumindig caagad, at saca uinicang: tandaan mong lahat, darating ang arao siyang pagbabayad! tuloy ng nanaog ng ualang paalam ang sucab na tauong may asal halimao, magbuhat na niyaon sa gabi at arao ualang iniisip cung di cahayupan . | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | caya'sa convento ng siya'dumating yaong monaguillo'tinauag na tambing aniya': susundin, itong ibibilin, gagauin mo agad, huag lilimutin. na mamayang gabi'sunuguin ang bahay dalauang mag inang quilala mo naman: bahay ng maestra sagot ng sacristan oo, ang uinica ng cura sa bayan. aquin pong susundin ang mahal na utos, pagsunod na ito'mapait sa loob, pagca'yaring puso'uari'natatacot sa sising darating ng tunay na dios. ang sagot ng cura: huag ca ngang balio ibig mo pa yata'manguna sa aquin, narito ang at tangapin, huag cang maingay at aco ay sundin. tinangap ang pilac ng saquim sa yaman nag ualang bahala sa lahat ng bagay, caya'ang guinaua'naghanda ng tunay tanang gagamiting panunog ng bahay. at pagcagabi nga lubha ng tahimic, tinungo ang daan at cusang lumapit sa tinitirahang bahay na maliit dalauang mag ina na cahapis hapis. saca sinusuhan ang apat na suloc, ano pa'sa apoy sila ay mabalot, ang batang babaye'sa laqui ng tacot taas ng bintana'nilucso'nilusob. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | naiuan ang inang natupoc sa apoy matandang babayeng napag isa doon, caya nga'ang anac hindi napatuloy pag layo'pag alis, piguil ng panaghoy. sa sama ng loob siya'napahimpil sa tabi ng isang malapit na dinding, ng calapit bahay, na hindi dinating ng ningas ng apoy, dahil ng hilahil. sa lagay na ito'bigla siyang guinilic ng dalauang tauong di niya nabatid, at siya'dinala at cusang piniit doon sa conventong tirahan ng ganid. sumunod na arao, ano ang gagauin! siya'naroon na dapat ng silain, gayong cahirapang, palad ay alipin ng capua palad, na ualang cahambing. ang hunhang na cura'siya'nilapitan sa paghihimutoc siya'niligauan, ang aspid na loob hindi na gumalang sa luha ng batang ulila ng tunay! aniya': masdan mo sinapit dinating ng calagayan mong aayao sa aquin, pag di pa pumayag sa aquing pag guilio mapapahamac ca di aco titiguil. ang sagot ng bata: aco ma'mamatay, ay hindi papayag sa masamang daan; ang tugon ng cura: iyong pag isipan, sa cuartong ito'quita'babalican. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | magbuhat na niyaon ang cahapis hapis na inaalipin ng madlang hinagpis, sa arao at gabi'nataas sa langit caniyang panaghoy na sanhi ng saquit. caya'ng magbalic ang curang ulupong ang ulilang bata'hindi nahinahon; agad ng guinamit ang ganitong tanong: inisip mo na ba? sumagot ang bata: icao po'mahabag sa abang lagay cong busabos ng hirap, caya nga'dinguin mo itong paquiusap sa aquing confesor aco ay haharap. confesor na ito'isa ngang clerigo may tunay na loob at mabuting tauo, ito ang marapat tauaguing ministro ng dios sa langit lubhang masaclolo. ang tugon ng cura sa gayong pamanhic: hindi mangyayari cahit mo ipilit, at hangang hindi ca na sagot sa sulit sagot na paayong aquing ninanais. sa sama ng loob ng batang na iyac tumugon ng uicang lubhang mabanayad; oo na po among mamaya tutupad caya'magbalic po at aco'papayag. sa bagay na ito'ang curang bulisic sumagot ng: oo'pagdaca'nalis; guinaua ng bata'tumaanang pilit na di namalayan nino mang casanib. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | pagdaca'tinungo at cusang hinanap caniyang confesor na may puring hauac, pagcaquita niya'agad ng tumauag, may luha sa mata'siya'napalingap. ang sagot sa caniya: huag ng magbalic sa coventong yaon ng curang bulisic, aco ang bahalang sa lahat umusig at mananagot pa sa caniyang nais. caya nga'nangyari'sabihin sa aquin ng aquing matanto'siya ay usiguin; cung gayon po'tingnan, ang sa batang turing aquing dinaanan ngayo'sasalitin. aco po'ulila sa guilio na ama at nalabing toua co'pag lingap ni ina, aming pagcabuhay tumangap toui na ng tahiing damit mahal man mura. nguni'isang arao cami'pinatauag ng curaug hindi na natutong mahabag, at tuloy sinabing iuan co ay dapat yaong pananahing aquing paghahanap. acala ni ina'mabuti ang nais, ng curang sinabing, sa ami'nagsulit, na aco'gagaouing maestra sa pilit caya'ang salamat siyang ipinalit. dumating ang arao ng capangacuan ng cura sa aquing titulong sinaysay, caya po'nangyaring nagmaestrang tunay dito po sa guilio at nilac hang bayan. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | nguni'isang hapon ang cura ay nanhic sa amin pong bahay pagdalao ang nais, ualang ano ano cay ina'nagsulit ng lubhang mahalay tungcol sa pag ibig. sumagot si inang ano mang sapitin hindi siya papayag sa bagay na turing, sa lagay na ito'ang lilo at soail, umalis na bigla'anaquin ay haling. pagcagabi nga po'sinunog ang bahay niyaong monaguillo na caniyang utusan, doon po'si ina dios co'namatay! natupoc sa apoy na dulot ng hunghang. sa bagay pong ito', aco', naninimdim at sa isang suloc aco', napahimpil, ualang ano ano', lumapit sa aquin dalauang lalaquing may suot na itim. at aco', dinala sa conventong tunay ipinasoc tuloy sa cuartong nalaan, at ng naroon na pinto ay sinarhan at aco'piniit ng ualang dahilan. pagca umaga po'lumapit sa aquin ang curang doroon, nagsulit na tambing, aniya,: tignan mo, sinapit dinating ng lilong ina mong palalong magturing. sa paghihinagpis aco'niligauan ang luha ng puso,di man iguinalang. pag ligao na yao'inululang tunay saca nilangcapan ng balang mahalay. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | caya po,, sagot co siya ay magbalic at aco'papayag sa ninasang lihis, saca nga ng siya, doon ay umalis aco namang ito'nagtanan ngang pilit. caya po narito iyong saclolohan sa ngalan ng dios, huag pabayaan: sa lagay cong ito'maaua pong tunay at yaong justicia ang hingi co lamang. ang sagot nga nitong caniyang confesor justicia, justicia, sa iyo'aampon, caya'omoui ca, aco'paroroon, cung hanapin ca pa ng curang ulupong. paroon sa bahay ng iyong magulang tiahin lelang caya pininsan, saca tumahimic sa sariling lagay aco ang bahala sa lahat ng bagay. nang ito'matanto ng batang causap ligalig na loob tumahimic agad, at tuloy omoui na cusang hinanap ang bahay ng aleng labing camag anac. nguni'hindi pa lumilipas halos ang arao na yaon, balita'sumabog siya'hinahanap ng curang may poot dahil sa nag asal ng uala sa, ayos. caya nga'sa bahay ng aleng tinuran ay doon inabot ng cura'sacristan, ang batang babayeng ulila sa layao, capos sa ligaya at sa toua'uhao. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | nang siya'maquita ng curang bulisic pagdaca'uinicang; oh babaying ganid! acala mo yata aco'palulupig sa isang paris mong lico ang matouid. capag hindi ca pa sumama sa aquin asahan mo na nga na may sasapitin ang lagay mong iyan na calaguimlaguim, marahil hindi mo maubos tayahin. hangang nagsusulit ang curang halimao, ang batang babaye'nag utos na tunay ng palihim pa nga confesor tauagan sa caniyang bahay siya'saclolohan. caya nga'nag abot ang dalauang ito sa bahay ng bata, cura at clerigo, dito na minulan yaong pagtatalo tungcol sa gagauin ng tunay na tauo. ang uica ng cura, sa bata ang tingin icao ay sumamang madali sa aquin, dito na tumugon clerigong mahinhin aniya'turan mo cung ano ang dahil. siya'nagtaanan sa aquin convento nilibac ang utos santo sacrificio caya nga at ngayon aco'naparito upang parusahan sa dahil na ito. sagot ng clerigo'icao ay tumahan huag cang humanap ng lilong dahilan, cung caya ang bata sa iyo'nagtanan dahil sa ang ibig puri ay ingatan. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | sapagca'icao nga'di dapat tauaguing ministro ng dios, lubhang maauain, dahil sa asal mo'totoong napuing sa hatol ng langit na ualang cahambing. sinisira mo nga bilin ng canones nilalabag mo pa sampuo pa ng leyes hindi mo ba tantong doo'nacatitic na baual sa clero ang asal bulisic? hindi mo ba alam ang dapat asalin ng sino mang fraile, anomang marating? di ba sa breviario may tunay na bilin sa clero'ang linis, ang dapat gamitin? cung ito'alam mo baquit mo hinamac ang mahal na bilin ng leyes na lahat, sanhi sa nais mo na nasa ng oslac? hayop ang sa iyo'dapat na itauag. tumugon ang curang may impoc na galit tiguil sinungaling, icao ang bulisic marunong sa lahat, pati pa ng langit ibig pang maabot ng haling na isip. sumagot sa gayon, doroong clerigo ng uicang mamaya magquiquita tayo, tutungo sa juez at isusumbong co ang causa criminal na iniimpoc mo. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | alam cong icao nga'di ibang tunay siyang nagpasunog sa caniyang bahay, doon nga rin naman tupoc na namatay ang ina ng batang ualang casalanan. pagcauica nito'umalis na agad yaong juzgado ang siyang hinanap, sa bagay na ito'ang cura'nasindac caya'natiguilan sa sandaling oras. mapamayamaya dumating ang juez clerigo'casama'sa bahay pumanhic, dito nga inabot ang curang bulisic na hinihimuyot ang bata sa lihis. pagpasoc ng juez doon sa pintuan pagdaca'nagsulit sa cura sa bayan, aniya'sumama sa aquin nga icao sa ngalan ng ley bilango cang tunay. ang tugon ng cura di cana nanganib na aco'bilango sa aqui'isulit, di mo ba tantong ang gayon ay lihis aco'cahalili ng dios sa langit. hindi baga alam may capangyarihan ang sino mang fraileng magcura sa bayan, na gobierno'leyes dapat na gumalang ang gayon ay hatol ng sangcalangitan? sumagot ang juez ng sagot matigas aniya'itiguil ang bibig mo oslac, acala mo yata aco'nagugulat sa isang paris mong, catulad ay ahas. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | papa man sa roma'pipiiting co rin cung siya'suminsay sa leyes na bilin, pagtupad na ito ay utos sa aquin ng langit at lupa; oh! tauong haling! icao po'magsulit sabi sa clerigo ang tanang nangyari'ng matalastas co, clerigo'tumugon ang batang narito ang lalong mabuting magsabi sa iyo. dito na minulan ng batang babaye ang lahat ng bagay, at tanang nangyari, sa bagay na ito'ang cura'nagsabi na yao'di tunay lilong pamarali. at ang sinabi pang parang idinugtong iyan ay bunga nga ng isip na pusong, naritong clerigo na may nilalayong mahalay sa bata. oh asal ulupong! clerigo'sumagot sa ganitong turing oh fraileng halimao, tauong sinungaling! cung ano ang puti ng habitong angquin sa dugo mo naman ay siyang ca itim. nahiga ca na ba'humilig na cusa sa piling na ualang caparis na sama? di na ba naumid ang lilo mong dila sa halay ng sulit na ualang camuc ha? ngayon ba'sala mo'mapaparusahan ang ibig mo naman aco ay idamay? sa sama mong quilic, pati ng catouiran ibig mong bulaguin. mahalay na asal! | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | cung dito'manaog ang tunay na dios at cusang masilip ang asal mong hayop, sa iyo'icacapit, sa laqui ng poot bagsic ng parusang ualang maca ayos. sa bagay na ito'ang doroong juez sa curang may sala ay cusang lumapit, at saca nag uica ng ganitong sulit dumating ang oras, maghari ang matouid. sa hiya ng cura ay nagpacamatay sa oras na yaong hindi namalayan, nino mang doroon cundi napaquingan ang putoc ng isang revolver na taglay. caya'ng maquitang siya ay patay na clerigo'lumapit sa batang dalaga, aniya'masdan mo'tunay natupad na justicia ng dios, totoong justicia . at saca iniutos, ang patay ilibing ang juez naman nga'umoui ng tambing, at saca ang causa'tinapos naman din ng tama sa utos ng matouid na bilin. clerigo'umoui at bata'iniuan sa guitna ng isang toua, at casayahan, dahil sa natapos panganib na taglay ng caniyang puring iningat ingatan. ito ang nangyari, nabasang capatid ititiguil co na'bahalang mag isip, cung ang fraile'dapat tauaguing mabait tauong uala na ni puso ni dibdib. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | masdan mo rin naman, cung dapat quilanling ministro ng dios fraileng sinungaling, cung ito ay lihis bahalang touirin ng lalong marunong may bait na angquin. ang bunga ng cutad na isip cong taglay bungang namuco nga sa ualang capantay, na pagmamasaquit sa bayang linac han bayang mapagtiis tanang cahirapan. at sa catunayan nitong hinanaquit di aco titiguil amomang masapit, hindi magsasauang maningil na tiquis sa mga umapi sa bayan cong ibig. fraile at castila, maputi'maitim hangang mangyayari'aquing sisisihin, at hindi tutugot anomang marating ang puri ni ina'aquing hahabulin. fraileng ualang puso, ni habag munti man fraileng camag anac ng lilong si satan, fraileng mananagot sa isang hucuman ng tunay na dios; justiciang marangal . caya nga'di sucat, itong sinasabi sa tula cong ito, na unang bahagui: nasaan ang dios! carugtong na huli nitong sinulat co na sama ng fraile . | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Mariano Sequera | at cung sacali nga'susulat na muli tungcol din sa fraileng pilipit na budhi, hindi rin titiguil, cahi ma'mamuhi, sa aquin ang papa, cardenal at hari . at icao nabasang capatid na irog guilio cong camuc ha'casanib na loob, huag lamang baguhin sacali ma'capos ang tulang mahirap na sa iyo'handog. sucat na sa icao magpuno'bahala sa balang mamasid na mali cong catha, at tuloy gamitan ng isang salitang lumabac sa sulat, umayon sa nasa . manga casamahan nito: nasaan ang dios! si emilio at si maria. ang hatol nang langit, (comediang tagalog). marami pang ipalilimbag na pauang maririquit at paqui quinabangang basahin. | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | aywan kung sino ang nagsabing: ang pilipino ay di marunong tumangkilik sa kalakal ng kalahi sa sino man, ay di sasalang siya'kaayaw ng bayang tagalog, sapagka'ayon sa mga pangyayari ay napagkitang tsang lubus na kasinungalingan ang gayong kasabihan. nagsisipangusap na katibayan ang masasaligan ng ganitong paniwala at isa na rito'ang sto. cristo, blg. maynila, almacen ng cemento, lierro galv, alambre, petroleo, araro at ibp. na, totoong malusog, at ang kalusugang ito'di utang sa kanino man kungdi sa pag amakabayan ng kanyang mga mananangkilik at sa mga iya'walang nabibilang na isa mang taga ibang lupa. isang batas ng kalikasan na ang langis ay hanapin ang kaawa langis at ang tubig ay sa kapwa tubig. jose maria rivera. maynila, limbagang daang santiago de vera blg bagtasan ng moriones at morga, . ..dalawang lilo tamis at pakla. bagong magdalena. hiyaw ng diwa. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | sa babasa mangbabasang guiliw: bago siyasatin ang pinakalaman ng aklat na ito, ay pagkaabalahang tunghayan sandali ang mga pang unang titik, na siyang maghahatid sa inyong tunghayan ng mga larawan ng maykatha at ng kaniyang katha. kung sino si jose maria rivera? anak sa bayan ng tundo, halaman na naging punlaan ng mga zorrila, joseng sisiw. at mga iba pang laki sa alo ng tula; si jose maria rivera ay isang kaluluwang busog sa mga pangarap. batang bata pa siya ng mabilang sa hanay ng mga mamamahayag: lalabing pitong taon. hindi nalaunan at ang manunulat ay naging masikap na kampon ni minerva pagkatapos, na mapabilang sa mga manghihimagsik. panulat at baril, sa kamay niya, ay iisang bagay: panananggol ng buti, panggiba ng sama. sa gulang na dalawangpuong taon, ang manghihimagsik, ay tumahak na naman ng bagong landasin: nanulat ng dulang tagalog. at mangdudula na at manghihimagsik at mamahayag, ay inibig pa ring kumita ng lalong dangal. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | kaya'pinilit pang makapag bachiller en artes perito mercantil at licenciado en derecho . makatas na likha ng talinong ito ang: tatlong personahe ang lumilikha ng mga pangyayari: ernesto, binata; armando at magdalena, mag asawa. si ernesto ay isang bantog, dakila, at matalinong makata at mangdudula kaluluwa ng kadakilaan, pusong bakal. magdalena pusong babae mahina, yuko at tiklop ang tuhod sa mahiwagang kapangyarihan ng puso. don armando mayamang mangangalakal, punong ganid, pusong nadadarang sa kinang ng pilak, at sumasagot lamang sa pangangailangan ng ginto. ang pagkamuhi ni magdalena sa kaniyang asawa, at paghanga nito sa bantog na makata at mangdudulang si ernesto, ay siyang nagbulid sa kaniya sa makamandag na kamay ng mahiwagang kapangyarihan ng puso. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | ipinahiwatig niya at ipinakilala kay ernesto ang kanyang pag ibig, bagay na tinanggap ni ernesto ng boong galak at pagdiriwang na tulad sa usok na pumapaitaas at kusang napaparam sa himpapawid isang panagimpan; pagka'ng si ernesto ay sumapit sa kaniyang tahanan, at muling suriin sa kaniyang isip ang mga nangyari, ay isang malakas na hindi.! ang narinig niyang ipinaghihiyawan ng boong lakas ng kaniyang conciencia ginamit ni ernesto ang kaniyang pagkapusong bakal, kinuha ang panitik at inakda ang dulang dulang naglalarawan ng buhay nila ni magdalena. sa araw ng unang pagtatanhal ng bantog na dula, ay inaniyayahan ang mag asawang armando at loleng. di natapus ang dula, at si loleng ay niyapos ng takot, siya'nanglamig, nangalisag ang kaniyang buhok, nangatal ang kaniyang katawan, at sandaling pinanawan ng pagkatao. sinakal ng takot ang kaluluwa ni loleng sa harap ng gayong pagkakasala. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | matapus ang gayong pangyayari, ay nagsadya si ernesto sa bahay ng kaibigan niyang mag asawa, at nagpaliwanag ng bagay na nag udyok sa kaniya ng pagakda ng gayong dula; si loleng ay nagsisi, si armando ay pinatawad siya, at si ernesto ay nakatupad sa hiyaw ng kaniyang conciencia . salaysaying pinaglalarawanan ng isang dariong dalisay umibig, ng isang angela na bago namatay ay binigkas muna ang pangalang dario. !, pangalan ng sinta na sa kaniyang puso, ay hindi nakatkat, ni ng matuling panahon, ni ng matagal na pagkakalayo; at isang amalia, inang sa hirap ng anak ay nakalimot sa kaniyang sarili upang wala ng mithiin kundi ang ililigaya noon. ang lahat ng mga naunang talata ay siyang laman ng aklat ng kaibigang pepe maria rivera, aklat na dahil sa kaniyang mainam at kalugodlugod na pangyayari, ay ina asahan kong babasahin ng tanang mahiligin sa mabubuting babasahin. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | sa kahulihulihan, na aalaala ko ngayon ang isang pangyayari ng kaibigang rivera, ng kasalukuyang kami ay nagtatapos ng pag aaral sa liceo de manila, na, samantalang kaming lahat ay nag aaral ng paggawa ng composicion at pagdingig sa aming profesor (ang namatay na. juan basa), ang kaibigang rivera naman ay walang pinagkakaabalahan kundi ang pagsulat ng mga tula at tuluyang ilinalathala sa pahayagang la patria . perfecto del rosario. tundo, disiyembre ng taong. langit na maulap umaga. ang araw ay maliwanag na sumisikat, at tinatanglawan ang lahat ng pinagharian ng gabi; ang langit ay walang mga panganorin na nakadudungis sa kulay niyang azul; ang mga sampagang nangag tikum ang dahon matapos na matangap ng kanyang talulod ang bango sa isang mahiwagang gabi, ay paraparang ilinalahad at pinahahalimuyak ang bango niyang na impok ng sakdal lwat. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | armando, matapos na makapagbihis at makakain ng agahan, ay dagling tumungo sa sabitan ng sumbalilo at matapos kunin ang kailangan ay nagsabi sa isang babayeng nakaupo pa sa kakanan, ng: hangang mamaya, magdalena. hintay ka muna armando at maaga pang lubha anang babaye na may halong lambing. namamali ka nang pagsasabi ng gayon. alamin mo magdalena na ang tatlo nating vapor ay mangagsisialis sa umagang ito, at marami sa mga kinakailangan ay wala pa. bawa'saglit na ikabalam ko, bawa'isang minuto ay libo libong piso ang mawawala sa atin at ito'di marapat na mangyari. mahal pa sa iyo ang oficina kay sa akin, iniibig mo pa ang negocio mo kay sa akin. at di mo dapat ipagtaka, pagka'ang kualta ay kailangan at ng di natin abutin ang paghihikahos. at noon din ay nanaog si. armando at sumakay sa kanyang carruaje. samantala, ang naiwan niya ay mangiak ngiak halos kaya'sa bibig ay pinapamumulas ang mga salitang: gaya din ng mga araw na nagdaan. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | inibig ko siya sa pagsasapantahang, sa kaniyang puso ay walang ibang sasambahin kundi ako lamang, nguni'ako pala ay nagkamali: sa puso pala niya ay may tangi pang nasusulat ng higit sa ngalan ko saan matatagpuan ang isang pusong makapagdudulot sa aking mga pinipithaya? matapos na sabihin ito, ay biglang tumindig sa kinakanang lamesa at pumasok sa kanyang silid. armando bago ipatuloy ang pagsasalaysay ng mga bagay na nangyari, sandali kong tuturan sa mga nanasa, kung sino si. armando at si magdalena. si dn. armando ay isang ginoong pagka husto na ng isip ay kinamatayan ng kaniyang mga magulang na naiwanan ng di kakaunting mana . palibhasa'siya'mauilihin sa pangangalakal, ay itinuloy ang bahay kalakalan ng kaniyang ama. kaiguihan ang taas at pangangatawan, at ang gulang ay sasakay na marahil sa. si magdalena naman, ay dili iba kundi ang asawa ni. armando; siya ay magandang lubha at masasabi ngang sa bayan ng. ay walang mangunguna. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | sa taglay na puso na uhaw at kailan man ay di masasapatan ang mga kahilingan, ay walang ninanasa kun di ang samyuin ang pag ibig. datapwa'sa isang pagkakataon ang napangasaua ay may pagka mahilig sa pangangalakal at di na halos naaalaala ang kabiak ng kanyang puso, bagay itong ipinagdadalamhating labis! ang gulang niya'na. isang umaga na bilang pangatlo na nang mga nangyaring pagpapaalam ni dn. armando kay magdalena, ay may kumatog sa pintuan ng tahanang iyon na ng patignan sa isang alagad ay nakitang iyon pala'si ernesto del rio. palibhasa'ang tumawag ay ipinalalagay ni. armando na matalik niyang kaibigan, kaya'naaaring kahit anong oras ay nakaparoroon. binuksan na nga ang pintuan na daan at makaraan ang ilang sandali ay tuluyang umakiat ang binatang ernesto. mamalas ng dumating ang ayos ni magdalena, ay nagturing na: magdalena, bakit at sa pagmumukha mo'nalalarawan ang hapis? bakit ang sungit ng yamot ay lumululan sa iyong puso? | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | tinitigan sumandali ng kinakausap ang katatapos na tumanong, bago sinundan ng isang buntong hiningang sumasaksing mabigat na lubha ang pagbabakang nangyayari sa kanyang puso, at pagkatapos ay nagsabing: ernesto, tunay ang iyong sinabi, pagka'. ang sambot ng kausap. ako'di ini ibig ng aking asawa. bulaan ang sapantaha mong iyan, magdalena, pagka'ang di umibig sa iyo, ay walang puso, at si armando ay pinatunayang, lalaki siyang marunong umibig pagka'hinirang ka niyang maguing asawa na pipintuhuin. nagkakamali ka ernesto, pagka'sa puso ni armando ay di ako ang sinasamba kundi. may iba pa siyang iniibig? oo, mayroon. maaari ko kayang makilala? bakit hindi turan mo, magdalena. ang kualta, ang ginto. hindi nakakibo sa gayon si ernesto, at ang pagkatao'waring lumayo sa kaniya, ng saglit. di ba totoo ernesto na kung sa iyo mangyayari ang gayon, kung ikaw ay magkaka asawa ng isang marunong umibig, ay gagantihin mo naman ng pag ibig din? ang dugtong ni magdalena. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | gayon nga ang aking gagawin, gayon ang maaasahan sa akin, datapwa'. tanto mo marahil na ako mandin ang tanging linikha ni bathala upang pahirapan na lamang. ah, magdalena, ang patuloy na sabi ni ernesto, kung ako ang palaring magkaroon ng isang tulad mo na magiging kabiak ng puso, kung ako ang magkakaroon ng pag ibig ng isang magdalena, marahil, ang aking mga tula ay lalong pupurihin, at kaiingitan ng mga may maruruming puso. ernesto, ako man ay gayon din. ako ay nagsapantahang si armando ay mapapalitan ng kapua pag ibig ang aking puso, datapua ako ay nagkamali: ikaw at di pala siya ang makapagdudulot sa akin ng gayon. magdalena, magdalena, ikaw man ay aking ini ibig, ang sulit ni ernesto. salamat ernesto ito ang unang pagsa mapalad ko. pag aalinlangan sakbibi ng isang pagkatwa, ay linisan ni ernesto del rio, ng makatang laging tinatakhan ng tanan ang mga ilinalathala sa mga pahayagan, ang marikit na tahanan ni. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | datapwa', nang siya'na sa bahay na, at anyong susulat, ay isang pag aalinlangan ang pumaibabaw sa kaniyang isip, pag aalinlangang pumutol sa nais niyang yariin ang tulang ipinangako sa pahayagang ang ilaw. umulik ulik ang kaniyang pag iisip na tulad ng dahon ng kahoy na linalagas ng masidhing hihip ng hangin at pinagwiwindang windang bago pasapitin sa lupa, bagay itong ibinitiw ng panulat at pagsapupo ng dalawang kamay sa kaniyang ulo na wari ay di makayang dalhin ng dalawang balikat. at ang gayo', waring siyang ina antay lamang ng pinagbubuhatan na pag iisip niyang hinahangaan, pagka'bahagya pa lamang na nakararaan ang isang saglit, ay pinagharian na siya ni morfeo. pangarap mga ilang sandali ang nakaraan ng ang pangarap ay nakuhang magambala ang katahimikang dulot ni morfeo. nangarap nga si ernesto ng mga sumusunod: umano, si dn. armando ay nabalitaan ang paglililo sa kaniya ni magdalena at ernesto, na siyang nagiging sanhi ng panunubok ng tinurang. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
Jose Maria Rivera | armando, panunubok na pinagkasanhian ng pagkakatutop sa kanilang dalawa, na ang naguing wakas ay ang pagpatay ni armando kay magdalena . ang pabulalas niyang turing, na siya tuloy ikina untol ng pagtulog. datapwa'bahagya pa lamang nakapagpapahinga, ay siya namang pagdapo uli ng isang panaguinip na gayari: nang matapos mapatay ni. armando ang kaniyang taksil na asawa, ay siya naman ang hinarap at pinagsabihan nang: ernesto, ang ginawa mong iyan sa akin ay walang ibang ngalan kundi kataksilan. linabag mo ang aking mga paglingap sa iyo, ang isinunod ni. armando, at dahil sa bagay na ito, ikaw ay tumatag. patawarin mo ako! ang paluhod na samo ni ernesto. hindi kita mapatatawad. sa guinawa mong iyan ay labis na sana kitang mapatay, datapwa'di ko magagawa ang gayon. isa sa atin ay labis sa lupa at. hindi ako makalalaban sa iyo. | 0 | 0 | 0 | 1 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 | 0 |
End of preview. Expand
in Dataset Viewer.
Panitikan-34 Corpus
Panitikan-34 contains Filipino literary texts from 34 Filipino authors from the late 19th to early 20th century. The data was gathered from the Tagalog books category of Project Gutenberg using the scrapy library. Various pre-processing techniques were also applied to the dataset which can also be adopted in other languages as discussed in the paper. Dictionaries, thesauruses, and works translated from other languages were excluded to solely focus on literary texts and the original author's writing style.
A smaller version of the dataset is also provided which only contains the top 10 Filipino authors who had the most literary works in the website. Kindly check it out at this link.
Dataset Specifications
Items | Count |
---|---|
No. of tokens | 724,133 |
Vocabulary Size | 60,354 |
No. of literary works | 47 |
No. of authors | 34 |
- Downloads last month
- 52